Jare nay uyan (Here comes the rain)
August 9, 2010
Panahon na daw ng “suddenly” which literally means that our country is already experiencing the rainy season. It is also being referred to as a time when our country will be bombarded by tropical storms and typhoons. Panahon na ni Ondoy at Pepeng, ika nga.
We had been hit already by two storms; last July and early this month. Sinalubong nga sa P-Noy na kakaupo pa lang bilang pangulo ng bansa. ‘Yon tuloy nalaman ng sambayanang Pilipino na di maaasahan ang ating weather bureau. Laos na equipments nito. As in capital PAG-ASA pa naman ang acronym nito. So ironic!
Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko dito sa kanlurang bahagi ng Mindanao, ngayon ko lang naiintindihan ang two seasons ng bansa. Iyon tag-init o tag-araw at saka ‘yong tag-ulan. Sa taon lang ito, malala yong epekto ng tag-araw dahil halos natuyo na yong Lanao Lake at naapektuhan ang supply ng kuryente sa buong Mindanao. Nasa 60% kasi ng electric power ng Mindanao galing sa hydro-electric plants. Kaya tuloy nasa anim na oras kada araw na walang kuryente dito sa Cagayan de Oro.
Sa aking probinsya, dalawang klase rin yong season doon – wet season and very wet season. Dati pag very wet season na sa amin, ibig sabihin na noon na meron namang bagyo na tatama sa aming probinsya. Salamat na lang sa pagputok ng Pinatubo dahil simula noon, di na namin naranasan ang bagyo. Parang binago yata ni Pinatubo ang daang-baluktot. Binabaktas na yata ngayon ng bagyo ang daang-matuwid.
At dahil hindi naman ako ngayon nakatira sa aking probinsyang kinalakihan ay damang-dama ko ngayon ang hirap tuwing sumasapit na ang tag-ulan. Una na kinakatakutan ng lahat dito ay ang baha. Last year lang yata napauso dito sa Cagayan de Oro ang baha. So dahil nasimulan last year yong pausong pagbabaha dito ay di na nakakatulog ang mga tao paglumalakas ang buhos ng ulan lalo na kung gabi. At kung malakas naman ang buhos ng ulan sa araw ay malabo naman makakauwi ng bahay dahil kakailangan mo naman languyin ang kahabaan ng highway mula Kauswagan hanggang Opol. Ok lang kung feeling mo na ikaw si Michael Phelps. Magandang training din ‘to.
Ang ibang hassle na dala ng tag-ulan ay ang mapapadalas ang pagpapakintab ng sapatos mo naman. Kung dati isang beses lang sa isang linggo, ngayon ay araw-araw na. Eh ano naman magagawa ko kung tamad talaga ako na magpakintab ng shoes ko. Mahal pa naman itong KIWI. Naisip ko tuloy na bumuli ng liquid shoe polish para instant kintab agad ang Bristol na sapatos ko.
May isa pa akong reklamo sa tag-ulan. Di pa kasi sementado ang daan papasok ng subdivision. Kapag umuulan eh parang tsokolate de churros ang drama dito. Churros yong saksakyan, tsokolate yong daan. Eh papaano, dahil sa putik na nabasa ng ulan, parang chocolate dip yong daan mo. At kung tarantado naman magpatakbo ang driver na nasakyan mo, ‘yong damit mo ay chocolate-sprinkled dessert naman to the highest level.
Di ko inikala na ganito rin ang magiging karanasan ko sa probinsyang, sasabihin nating, mas maunlad kaysa sa kinalakihan kong probinsya. Naisip ko tuloy na nauto siguro ako ng real estate agent kaya nakabili ako dito. Ika nga ng mga kapitbahay ko na baka daw aabutin pa kami ng tatlong eleksyon bago matapos o maipagawa ang daan. May naipagawa kasi na 400 metros ang haba na daan ng nakaraang eleksyon courtesy ng isang kongresman. Talagang aabutin ng ganoon kahaba na panahon kung sa bawat lokal eleksyon lang ay may 400 metros ang nasesemento.
At ang pinakahuling ayaw ko sa tag-ulan dito ay ang maranasan ang ganito sa lood ng jeep. Pag-umuulan alam naman natin lahat kung ano ang ginagawa sa jeep. Alam mo kung ikaw ay pinanganak o nailuwal sa mundong ito na hindi nakasakay sa isang Lamborghini. Ang may-ari lang ng Villarica Pawnshop ang may ganoon sabi ng BIR. Alam din natin na walang aircon jeepney dito sa Mindanao, nasa Makati City lang yon. Ganyan sila sa Makati, hindi ganoon sa buong bansa. Kaya pag-umuulan ay binababa ng mga PhD ng jeep ang kanilang kurtina. Ang kurtina na gawa sa makapal na plastik. Dahil walang hangin na nakakapasok ay tuloy feeling mo na isa kang steamed siomai o siopao. Kung minsan naman ay pumapasok pa yong usok ng jeep sa loob nito. Mapapadali ang pagkikita nyo ni Lord kung lagpak yong jeep sa emission test. Eh daig mo pa yong Askal na tinambutso. Feeling mo na para kang dengue-mosquito na nahagupit ng fogging operation ng barangay mo. O feeling mo na isa kaw ka kopras na pagatapahan.
Sa kabilang banda, masarap at masaya naman ang magtampisaw sa ulan lalo na kung kasama mo jowa mo. Feeling mo nasa pelikula ka. Ang cheesy naman! Ika nga ng kanta, “…talagang mapapasayaw ka sa ulan…”
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

















