SWAT: Special Weapons ‘Alang Tactics
August 25, 2010
The Quirino Grandstand Bloodbath happened two nights ago. Ang bida ay walang iba kundi ang sinibak na si Senior Inspector Rolando Mendoza at ang mga katunggali ay ang mga alagad ng batas – ang pambansang kapulisan. Ang eksena ay kinunan sa malawak na Quirino Grandstand kung saan dinaos ang panunumpa ni P-Noy magda-dalawang buwan pa lang ang nakalipas. Ang eksena ay may mga turistang banyaga galing ng Hong Kong na gawing hostages sakay ng isang magarang bus at aakmain ng mga kapulisan na isalba sila sa isang naghuhuramintadong sinibak na pulis na pinarangalan pa noon na isa sa sampung pinakamagaling na pulis sa buong bansa.
Ang masaklap dito ay hindi ito isang eksena sa pelikula bagkos ay isang totohanan at kasindak-sindak na pangyayari na ikinagimbal ng buong sambayang Pilipino at ng mundo. Kitang-kita ng buong mundo kung papaano naresulba ang krisis na ito. Ang isang di kaaya-ayang katapusan ng hostage drama – patay ang nang-hostage at walo rin sa naging hostages ang nakalasan ng buhay.
Napanood ko lang yong eskena ng nakauwi ako ng bahay ng gabing iyon. Kita sa mga live video (buhay na bidyo ba tawag sa Filipino nito?) na nahagip ng kamera ng mga nag-uulat sa telebisyon ang mga pagkukulang ng kapulisan sa pagresolba ng krisis. Kitang-kita din ang kawalan ng sistema at kagamitan ng kapulisan ng tangkain na lusubin nila ang bus. Nakakabahala din ang pag-aresto nila sa kapatid ng suspek, na sa pahayag ng tsuper ng bus ay ang naging simula ng paghuhuramintado ng suspek sa loob ng sasakyan. Nakawala kasi ang tsuper sa kanyang pagkakaposas sa manubelo gamit ang kanyang nail cutter.
I had watched a movie before whose plot was somewhat similar to what happened at Quirino Grandstand. I could not remember the title of the movie. The guy was axed by his employer and took hostages to ask his employer to give back his job. The family of the hostage-taker knew nothing about his plan. The drama as it unfolded was covered by the media but they (media) had played a different role, instead of just focusing on the crime scene. They took a bold step to interview his colleagues, friends in the community, and including his family. They highlighted in these interviews the good deeds the hostage-taker had done to his family, colleagues, and community. The media played generously the good perception about him by people close to him. The movie ended with a hostage-taker freeing his hostages and him surrendering to the police force.
The police should have used Mendoza’s family to pacify him. The negotiator should have granted all the demands of Mendoza. Sigurado di yon mag-amok kung pumayag sila. Sabi nga ng kapitbahay ko na sana daw pumayag na lang yong negosyador na ibigay yong kahilingan nya tapos di na nila tutuparin pagkatapos pakawalan yong hostages. Ang importante lang daw ay makawala yong hostages. Meron point naman si neighborhood. Di bitaw sila Bol-anon na tumanon. (Hindi sila taga-Bohol na gagawin lahat ng sinasabi.) Pulis Maynila naman sila.
Nang nagsimula na ang assault sa bus, ako ay natatakot para sa mga pulis. Pinalagay na kasi nila na patay na ang mga hostages. Sino naman hindi matatakot para sa ating mga kapulisan na kung lumusob ay para naman dalagang pilipina. Ang hinhin naman nila at wala pang mga protective gears. Lulusubin ang harapan ng bus, tapos aatras; pagkatapos ay lulusubin naman ang likuran ng bus, at aatras ulit. Ano ba yon? It wasn’t like in the movies! (laugh) Dapat kasi magkasabay yong pagpasok ng special police teams sa bus – isang grupo ang papasok sa likuran at isa namang grupo sa harapan. At hindi kilos bakla dapat ang paglusob. It should be a surprise assault. Quick and fast but calculating. Hindi ‘yong hahampasin mo ng maso yong pinto tapos aatras. Gagamit ng lubid at hindi kadena para mabuksan ang pintuan. Hindi yong maghahagis nag tear gas pero di naman lulusob. The assaulting teams, teams kasi dalawa, should have entered the emergency exit while the other team penetrates the front part of the bus. Mabilis at sabay-sabay dapat ang pagsalakay. That’s what I saw in the movies and it also makes sense.
Anyways, kaya ngayon may mga opinion yong mga tambay sa kanto na ang ibig sabihin ng SWAT ay hindi Special Weapons and Tactics Team, kundi ay Special Weapons ‘Alang Tactics. Ano bang sinasabi nyo na special weapons? Eh, ano ba tawag nyo doon sa maso at lubid na ginamit? Ano rin tawag nyo doon sa pahagis-hagis ng tear gas na wala naman pala silang mask? Blind and teary tactics?! You will be the judge.
Jare nay uyan (Here comes the rain)
August 9, 2010
Panahon na daw ng “suddenly” which literally means that our country is already experiencing the rainy season. It is also being referred to as a time when our country will be bombarded by tropical storms and typhoons. Panahon na ni Ondoy at Pepeng, ika nga.
We had been hit already by two storms; last July and early this month. Sinalubong nga sa P-Noy na kakaupo pa lang bilang pangulo ng bansa. ‘Yon tuloy nalaman ng sambayanang Pilipino na di maaasahan ang ating weather bureau. Laos na equipments nito. As in capital PAG-ASA pa naman ang acronym nito. So ironic!
Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko dito sa kanlurang bahagi ng Mindanao, ngayon ko lang naiintindihan ang two seasons ng bansa. Iyon tag-init o tag-araw at saka ‘yong tag-ulan. Sa taon lang ito, malala yong epekto ng tag-araw dahil halos natuyo na yong Lanao Lake at naapektuhan ang supply ng kuryente sa buong Mindanao. Nasa 60% kasi ng electric power ng Mindanao galing sa hydro-electric plants. Kaya tuloy nasa anim na oras kada araw na walang kuryente dito sa Cagayan de Oro.
Sa aking probinsya, dalawang klase rin yong season doon – wet season and very wet season. Dati pag very wet season na sa amin, ibig sabihin na noon na meron namang bagyo na tatama sa aming probinsya. Salamat na lang sa pagputok ng Pinatubo dahil simula noon, di na namin naranasan ang bagyo. Parang binago yata ni Pinatubo ang daang-baluktot. Binabaktas na yata ngayon ng bagyo ang daang-matuwid.
At dahil hindi naman ako ngayon nakatira sa aking probinsyang kinalakihan ay damang-dama ko ngayon ang hirap tuwing sumasapit na ang tag-ulan. Una na kinakatakutan ng lahat dito ay ang baha. Last year lang yata napauso dito sa Cagayan de Oro ang baha. So dahil nasimulan last year yong pausong pagbabaha dito ay di na nakakatulog ang mga tao paglumalakas ang buhos ng ulan lalo na kung gabi. At kung malakas naman ang buhos ng ulan sa araw ay malabo naman makakauwi ng bahay dahil kakailangan mo naman languyin ang kahabaan ng highway mula Kauswagan hanggang Opol. Ok lang kung feeling mo na ikaw si Michael Phelps. Magandang training din ‘to.
Ang ibang hassle na dala ng tag-ulan ay ang mapapadalas ang pagpapakintab ng sapatos mo naman. Kung dati isang beses lang sa isang linggo, ngayon ay araw-araw na. Eh ano naman magagawa ko kung tamad talaga ako na magpakintab ng shoes ko. Mahal pa naman itong KIWI. Naisip ko tuloy na bumuli ng liquid shoe polish para instant kintab agad ang Bristol na sapatos ko.
May isa pa akong reklamo sa tag-ulan. Di pa kasi sementado ang daan papasok ng subdivision. Kapag umuulan eh parang tsokolate de churros ang drama dito. Churros yong saksakyan, tsokolate yong daan. Eh papaano, dahil sa putik na nabasa ng ulan, parang chocolate dip yong daan mo. At kung tarantado naman magpatakbo ang driver na nasakyan mo, ‘yong damit mo ay chocolate-sprinkled dessert naman to the highest level.
Di ko inikala na ganito rin ang magiging karanasan ko sa probinsyang, sasabihin nating, mas maunlad kaysa sa kinalakihan kong probinsya. Naisip ko tuloy na nauto siguro ako ng real estate agent kaya nakabili ako dito. Ika nga ng mga kapitbahay ko na baka daw aabutin pa kami ng tatlong eleksyon bago matapos o maipagawa ang daan. May naipagawa kasi na 400 metros ang haba na daan ng nakaraang eleksyon courtesy ng isang kongresman. Talagang aabutin ng ganoon kahaba na panahon kung sa bawat lokal eleksyon lang ay may 400 metros ang nasesemento.
At ang pinakahuling ayaw ko sa tag-ulan dito ay ang maranasan ang ganito sa lood ng jeep. Pag-umuulan alam naman natin lahat kung ano ang ginagawa sa jeep. Alam mo kung ikaw ay pinanganak o nailuwal sa mundong ito na hindi nakasakay sa isang Lamborghini. Ang may-ari lang ng Villarica Pawnshop ang may ganoon sabi ng BIR. Alam din natin na walang aircon jeepney dito sa Mindanao, nasa Makati City lang yon. Ganyan sila sa Makati, hindi ganoon sa buong bansa. Kaya pag-umuulan ay binababa ng mga PhD ng jeep ang kanilang kurtina. Ang kurtina na gawa sa makapal na plastik. Dahil walang hangin na nakakapasok ay tuloy feeling mo na isa kang steamed siomai o siopao. Kung minsan naman ay pumapasok pa yong usok ng jeep sa loob nito. Mapapadali ang pagkikita nyo ni Lord kung lagpak yong jeep sa emission test. Eh daig mo pa yong Askal na tinambutso. Feeling mo na para kang dengue-mosquito na nahagupit ng fogging operation ng barangay mo. O feeling mo na isa kaw ka kopras na pagatapahan.
Sa kabilang banda, masarap at masaya naman ang magtampisaw sa ulan lalo na kung kasama mo jowa mo. Feeling mo nasa pelikula ka. Ang cheesy naman! Ika nga ng kanta, “…talagang mapapasayaw ka sa ulan…”










