Hayden Camera
May 21, 2009Nang hiniwalayan ni Dra. Vicky Belo si Dr. Hayden Kho dahil sa napabalitang nakita nito ang mga sex videos kasama doon ang isa niyang endorser, na lumabas na si Katrina Halili, ay naisip ko na agad na ilang linggo o buwan ay lalabas ito sa net. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko. Lumabas nga ang Dr. Hayden Kho-Katrina Halili sex video scandal. Lumabas na rin ‘yong ginawa n’ya sa ex-gf niya na si Maricar Reyes. Kawawa namang Maricar, walang kaalam-alam. Duda rin ang marami na kinunan din niya si Dr. Belo. Hindi kasi daw malayo na gawin niya ito dahil nagawa na niya sa ibang babae niya.
Livin la vida loca!
Iba daw talaga ang dating pag-showbiz ang involve. Lalong lumalaki ‘yong isyo. Nagiging nasyonal isyo ito. Kung si simpleng kolehiyala lang siguro ng bida sa sex video na ito ay hindi na naging malakas ang dating sa madla. Hindi na naging emosyonal ang isang senador sa pagkukundena nito. Ayan tuloy, mapapabilis na ang pagpasa ng batas na magpaparusa sa paglalathala ng sang iskandalusang bidyo. Kawawa naman ang mga manyakis.
Sa kabilang banda tama naman na i-condemn ‘yong ginawa ng doktor na ito. Isa na ngang pakingshet ang maglathala sa youtube ng video na walang permiso ng mga bida. Mas lalo pang pakingshet ang pagkuha nito ng pasekreto. Kawawa naman ‘yong mga babae na nabibiktima nito. Siguro kung anak o kapatid ko ang ginawan nang ganon ay siguradong tatagain ko ‘yong lalaki ng itak na puno ng kalawang. Kundi man siya mamatay sa taga, sigurado naman ako na mamamatay siya sa titanus.
Sana nga ang isyong ito ay hindi mauuwi sa wala. Kailangan managot ang dapat managot. Siguro marami pang kleyente na babae ang nabiktima ng hinayupak na doktor na ito. Ito rin ay maging daan para mapasa na ang batas na magpaparusa sa mga walang hiya na umaabuso sa tiwala ng kanilang mga nobya.
Update:
Grabe naman pala si doc kasi biruin mo 40 babae yong nakasiping na kinunan ng videos. Iyon ang napapabalita sa ngayon. Hayop talaga ito sa kalaswaan.
Another Update:
Ayon sa balita hindi daw 40 ka babae kundi apat lang pero 40 videos ang nakuha o meron sa collection si doc. Siguro ang mga babae na ito ay si katrina Halili, Brazillian Model na GF ngayon ni John Estrada, Maricar Reyes na isang practicing doctor na nagsisimulang sumikat bilang commercial model and had a short stint in drama, and, of course, ang video nila ni Vicky Belo. Actually, inamin na ni Dr. Belo na meron silang sex video pero meron daw siyang consent nito at for personal consumption lang nila.

Dr. Vicky Belo

Dr. Hayden Kho and Katrina Halili

Dr. Maricar Reyes

Priscila Meirelles, a brazilian model

















