Homecoming
April 18, 2009
Umuwi ako ng nakaraang Semana Santa sa aking pinakamamahal na bayan. Naisip ko kasi na kung dito lang ako sa CDO magpalipas ng Holy Week ay sigurado magugutom na naman ako tulad ng nagdaang taon. Very ironic kasi karamihan sa panahon ng cuaresma ay nagpipigil sa pagkain – fasting and abstinence daw.
Nang nakaraang taon kasi ay hindi ako umuwi sa amin. Wala akong ginawa noon kundi ang matulog. Wala naman kasi tv set sa tinitirhan ako. Gutom pa inabot ko kasi walang nagbukas na carenderia. Tiniis ko na lang ang tinapay na nabili ko sa bakery na malapit sa amin. Pero kahit isang kahon na tinapay ang pinagtripan ko ay hindi pa rin ako nabubusog. Talagang hinahanap-hanap ng bituka ko ‘yong amoy at sarap ng mainit na kanin. Wala kasi akong gamit sa kusina kaya hindi rin ako nakakapagluto.
Kaya nitong taon na ito ay nagpasya na ako na umuwi sa amin at dala-dala ang isang dosena na pirated dvd para malibang naman ako sa isang buong linggo. At ang pinakaimportante sa lahat ay hindi kakalam ‘yong sikmura ko doon.

Asyuswal, ganon pa rin kalayo ang nilakbay ko – labing dalawang oras na biyahe sa bus bago ko narating ang bayan namin. Nanakit na nga ‘yong tailbone ko sa kakaupo sa bus. Asyu swal din na sira pa rin yong national highway sa probinsya namin.

Pero sa kabila ng lahat, meron naman pagbabago sa tatlong buwan na hindi ako nagawi doon. Lahat ng pangunahing daan ay ginagawa na – ‘yong Gata to Salvacion junction sa San Agustin ay sementado na. Siguro sa loob ng apat na buwan ay tapos na ‘yong daan galing Barabo hanggang San Agustin. Magaling at mabilis gumawa ‘yong contractor na nakakuha sa portion na iyon ng Davao-Surigao Coastal Road Project. Iyong contractor na iyon ay isa sa mga kasali sa World Bank scandal.
Ang nakadagdag challenge sa pag-uwi kong iyon ay ang muntikan na kaming maaksidente. Nag-slide kasi yong gulong ng bus sa ginagawa pang kalsada. Muntikan nang gumulong ang bus.



Sana pag-uwi ko sa bayan namin ulit ay hindi ko na madadaanan ang mga luxurious roads na sinasabi namin. At kung magkagayon man ay mapapadalas na siguro ang uwi ko sa amin.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

















