The Black Lady in my Boarding House
April 9, 2009
Sabi nila pag-isa lang ang nagsasabi o nagkwe-kwento ng isang bagay o pangyayari ay malamang haka-haka, gawa-gawa o mga imahinasyong pinagtugpi-tugpi lang ito para makabuo ng isang estorya na pwedeng mapaniwalaan ng taong wala naman alam kundi ang maniwala lang s
a sinasabi sa kanya.
Pero pag marami na raw ang nagsasabi ng parehong estorya o pangyayari na naganap at aktwal na nasaksihan o naranasan ito ay ibang usapan na iyan. Malamang ay may bahid na ito ng katotohanan. Hindi na kathang isip lang.
Una kong narinig kay Ivy ang isang nakakakilabot na pangyayari sa bahay na aking tinutuluyan ngayon. Si ay Ivy ‘yong pumalit sa kwarto na nilagian ko ng una akong umupa sa bahay na ito. Nasabi niya sa amin na minsan daw ay may babae na nakaitim na di naman masyado niyang maaninag ang mukha na tumabi sa kanya habang siya ay natutulog ng isang gabi. Kasama niya noon ang kanyang asawa at nasa kabilang kwarto lang ako. Tumabi talaga sa kanyang pagkakahiga ‘yong babae na nakakulay itim ang suot na damit. Tinangka niyang gisingin ang asawa niya pero hindi ito nagising.
Pero sa aming pag-uusap ay nalaman din namin na siya ay may karanasan na sa ganitong mga nilalang. Talagang lapitin siya ng mga ganito. Noong nasa Davao daw kasi siya ay may engkanto naman na nanliligaw sa kanya.
Pero hindi lang dito nagtatapos ang kwentong ito dahil makailan lang ay ‘yong bagong lipat din sa kwarto na iyon ay meron ding ganitong karanasan. Sabi ni Jazzy na noong pangalawang gabi niya daw sa kwarto na iyon ay may nagpakita na naman sa kanya. Pareho din noong una, nakaitim ang babae na nakatingin sa kanya at nakatayo sa kanyang paanan. Tinadyakan niya ito ng tatlong beses ngunit hindi man lang ito gumalaw.
Noong una ay akala niya ‘yong bata niya na kasama ang nakatingin sa kanya pero ng kapain niya ‘yong panganay ay nasa tabi lang niya ito. Hindi na lang siya kumibo at tinakpan niya ng kumot ang mukha niya.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit babae lang ang ginaganito ng Black Lady. Hindi naman ibig sabihin na gusto ko rin makakita sa kanya. Okies lang siguro kung pareho siya kaganda sa babae sa picture na ito kahit meron siyang pakpak. Si Totoy na hindi na bata, pangalan ng niya ang bata, ay tumira din doon ng matagal. Pareho kaming dalawa na walang napansin na ganon.
May iba ding pangyayari sa bahay na it o. Sa isang kwarto nam an a y iba ang nangyayari doon. Pareho din noong una na mga babae din ‘yong binibiktima. Si Phoebe ay lumipat sa kabilang kwarto kasi daw meron sumisipol sa kaniya tuwing gabi. Noong una ay akala niya na galing sa tunog ng pressure ng tubig sa gripo. Pero ng lumaon na ay napapansin niya na hindi ito galing doon. Kadalasan ay sinisipulan siya ng kung sino habang nakapikit ang kanyang mata. Para daw nakatayo sa kanyang tabi ‘yong tao na sumisipol sa kanya. Pagdilat niya ay wala naman siyang nakikita.
Nang lumipat si Phoebe ay may pumalit sa kanya na buntis. Nagtanong ako sa mga kasamahan ko kung babae bakit mag-iisang linggo pa lang siya doon ay umalis na agad ito. Nalaman ko naman kay Phoebe na nagkwento daw si buntis na sinisipolan din siya doon ng kung sino pag natutulog o nagpapahinga siya sa kwarto.
Napansin ko rin na hating-gabi na o madaling araw na nandiyan pa rin siya nakatambay sa sala namin kasama ‘yong anak niya. Palagi daw umiiyak at walang tulog ‘yong buntis dahil nga sa mga kababalaghang nangyayari sa kwarto na iyon.
Pero noong si Stanley pa naman ang lumulungga doon ay wala naman siyang nasasabi na ganoon. Kadalasan pa nga siya ang gumagawa ng kabalastugan sa kwarto na iyon. Wala rin naikuwento tungkol dito ang bagong lumipat na m ga bading.
Sa aking pagtatanto ay hindi lang siguro nila gusto ang mga babae sa pamamahay na ito.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


















