pillow fight
March 14, 2009
“Meron kang tinatago sa akin!” konprunta ni babae kay lalaki.
“Ano naman tinatago ko?” sagot naman ni lalaki.
“Sabi mo na may lakad ka ngayon. Bakit di mo agad sinabi sa akin noong linggo?! Tinataguan mo talaga ako!” resbak ni babae.
Natatandaan ko yong isang forwarded email comparing the minds of men and women. Pinakita doon na masyadong kumplikado mag-isip yong babae kaysa mga lalaki. Kung diretsahan tinutukoy ni lalaki ang isyo, di agad ito tinutumbok ni babae. At kahit wala ka naman kasalan as long as sa isip nila may kasalanan ka ay ganon na rin yon.
Wife: “Nanbababae ka talaga!”
Hubby: “Paano mo naman nasabi ‘yon?”
Wife: “Napanaginipan kong may kasama kang bebot sa hotel!”
Akala ko yong mga nagra-rugby, nagsha-shabu, etc lang ang nagtri-trip. Eh, kadalasan at karamihan ng mga babae ay tayong mga lalaki ang pinagtri-tripan. Siguro nami-misss din nila ‘yong hindi nila tayo naaaway? Gusto lang nila tayong asarin for the heck na maasar tayo.
Pero sa kabila ng kanilang mga dahilan (mainit ulo ko kasi may period ako) o sa kabila ng lahat ay mahal pa rin natin sila.
Previous Comments
hi ade,
experience mo rin siguro ito, noh?! hehehe…
maraming ganitong true stories.
All people deserve wealthy life and loans or just sba loan would make it much better. Just because freedom bases on money state.
Posted by MccallLilia at February 28, 2010, 11:01 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


















True story? Lakas ng trip ah!
Posted by Ade at March 26, 2009, 2:42 pm