mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Archives » March 2009

(Our Electoral System is ) Jurassic As They Are

March 28, 2009

Ang gulo talaga ng utak ng mga politiko. Noon sinasabi nila na kailangan otomatik na ang paraan ng pagboto para mawala na ang pandadaya. Ngayon sinasabi naman nila na mas malala pa ang magiging kaso ng pandaraya dahil aprobado na ang budget ng poll automation para sa darating na halalan sa 2010.

Sabi din nila na ‘yong mga Trapos (Traditional Politicians) lang ang ayaw nito sapagkat mas kumpiyansa sila sa makalumang paraan. Pero sa ngayon pati na rin ‘yong mga politikong nagsasabi na sila ay independente ay ayaw na rin sa ganitong paraan. Keso de bola daw na hindi pa tayo handa dito kasi hindi pa natin nasusubukan. Wala pa raw tayong mga election watchdogs na magaling tumingin at magbabantay sa electronic fraud na maaaring mangyari sa panahon ng halalan.

Eh, mga sira-ulo pala silang lahat. Papretend lang pala sila na mga independente pero sa katunayan mas gusto pala gumaya sa mga trapos. Kelan ba nila gusto mangyari ang ganitong proseso ng halalan? Ano man klaseng sistema ang gagamitin sa pagpili ng mga itatalaga sa puder ng gobyerno ay mabababoy pa rin kung ‘yong gustong magpapili ay gumagawa pa rin ng kababoyan.

Iyong mga watchdogs na nagbabantay sa mga baboy ay produkto po ng sistema na ating ipapatupad. Huwag po nating sabihin na dapat may watchdog na agad tayo sa mag electronic frauds na ito na ‘yong sistema ay hindi pa nga naaaporbahan. Maganda sana kung meron na. Pero hindi naman problema ‘yan dahil madalai lang naman ‘yan gawin. Alam ko na marami gusto magboluntaryo na eksperto dito.

Ang mga ganitong pangamba ay nararapat nating pakinggan lalong-lalo kung ito ay nanggagaling sa publiko. Pero kung ito ay pangamba ng isang politiko, ay nako, pinapapakinggan pa ba ‘yan?

Natatandaan ko pa rin kung paano nila binaboy ‘yong resulta ng eleksyon sa aming bayan dalawang dekada na ang nakaraan. Bata pa lang ako noon pero nagisnan ko na agad kung gaano karumi ito. Natalo ang lolo ko ng panahon na iyon. Consistent na nasa top three siya noon sa panahon ng bilangan . Kinabukasan, dahil sa dagdag-bawas at gustong ipapanalo yong isang tao, ay isang iglap lang ay nalaglag na siya.

Kung magiging computerized ang eleksyon ay mawawala ang ganitong mga kabalastugan. Kung hindi man tuluyang mawawala ay mami-minimize naman ang mga ito. Naniniwala din ako na ‘iyong mga patay ay hindi na mabubuhay sa araw ng halalan. Lubos din akong naniniwala na hindi pwedeng makapagboto ng dalawang beses ang isang tao sa ganitong paraan.

Alam ko kung ano ang mga paraan na ginagawa ng mga buang na politiko para manalo sa darating na eleksyon. Hindi nila po ‘yon gagawin sa pagha-hack ng election system. Hindi nila po iyon gagawin sa pagsunog o pagsira ng mga computer na gagamitin sa automated poll.

Kung marami silang pera, which is hindi naman po bago sa atin, ay kaya nilang bilhin ang puri ng mga botante. Madali lang naman sabihin sa kanila na huwag na lang sila pumunta ng presinto para bumoto at kapalit nito ang limang daan o isang libo peso na pera. Hindi na po uso ‘yong bigyan mo sila ng pera para iboto ka. Ang uso po ay abutan mo sila ng pera para huwag na bumoto.

Kung hindi naman nadadala sa ganitong paraan ay gagamitan na ng dahas. It’s a common sight naman na ‘yong ibang mga politiko ay meron maraming goons. Iyong lumang requisites na three G’s – gold, guns and goons, ay buhay na buhay pa rin hanggang sa ngayon. Ginagamit lang nila ito sa ibang paraan o makabagong pamamaraan sa ngayon. Hindi na po ‘yong makaluma. Tulad nga ng sabi ko kanina na kung hindi madadala sa pera ay pwede naman silang takutin na kung pupunta sila sa presinto at bumoto ay sigurado sa sementeryo na kalalagyan nila. Hindi ‘yong sinaunang paraan na tatakutin ka nag baril para bumoto sa kanya. Tatakutin ka ng baril para ‘wag ng bumoto ang trend sa ngayon.

Sa makatuwid, I therefore conclude, hindi ‘yong sistema ng eleksyon ang may kasalan kung bakit may mangyayaring dayaan sa 2010 eleksyon. Wala na pong dagdag-bawas na mangayayari. Sa ibang paraan po mangyayari ang dayaan.

Sana po naman sa darating na halalan ay magising na tayo. Hindi pa ako sigurado naman kung sino ang aking ibuboto. Wala pa akong napipisil na ibuboto sa listahan ng mga nagbabalak na tatakbo pagka-presidente.

Ang problema natin ngayon ay wala tayong choice. Sa mga nakahilira na listahan na gusto manilbihan sa ating bayan ay walang kwalipikado. May pera man o wala ang isng kandidato basta alam ko na mabuti ang hangad niya sa ating bayan ay ikakampanya ko siya bahala na sa huli ay matalo pa rin kami. Ang pinakaimportante sa lahat ay nakatulong o tumulong ako na mabigyan ng bagong pag-asa ang ating sambayanan.

Posted by jadestone at 9:44 am | permalink | Add comment

Kapre, a Mythical Creature?

March 24, 2009

Hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag kung ano yong Kapre. Sigurado ako na lahat ng Pilipino ay nakakakilala dito. Hindi na kasi lingid sa ating kaalaman na tuwing sumasapit ‘yong buwan ng kwaresma o sa panahon ng semana santa o panahon ng undas ay kadalasan ipinalalabas ng mga higanteng estasyon ng telebisyon ang sari-saring kuwento ng kababalaghan. Kuwentong tungkol sa mga kapre, engkanto, ligaw na kaluluwa at kung anu-ano pa.

Bigfoot ang foreign counterpart ng ating imortal na kapre. Madalas din nating napapanood ito sa mga banyagang pelikula.

Napapansin ko lang na ‘yong naisasalarawan ng mga palabas sa pelikula at telebisyon maging banyaga man o lokal ito ay tumutukoy lang sa kapre na napakatangkad, mahaba ang balbas, mabalbon, maitim na nilalang na nanabako. Kalimitan daw ito nakatira sa mga malalaking puno o sa mga mayayabong na kawayan. Dahil sa laki nito at itim ang kulay ay kinatatakutan ito ng marami.

Hindi ganito ang uri ng kapre na naninirahan sa aming bayan. Wala po akong naririnig na kuwento tungkol sa kapreng ubod ng itim na tumatambay doon. Kung meron man ay hindi po kapre yong tawag namin doon – ito po ay isang Agta.

Sa mga kuwento ng mama, lola, lolo at matatandang kababayan ko ay nabatid ko na kakaiba yong Kapre namin. Mas sosyal kasi gumagamit ng glutathione. Hindi pa uso noon pero meron na sila. Hindi rin sila nakabahag tulad ng mga kuwento sa magasin, radyo, pelikula at telebisyon. Bagkos sila po ay meron magandang wardrobe. Sila po ay nakasuot ng mahabang damit na puti na parang damit ng mga pari. In short, para po silang higanteng amerikanong misyonaryo o pari, sabi nila.

Marami sa aming bayan ang nakakakita sa kanila ng bago dumating ang magdekada nobenta. Sa kuwento ng kapatid ni mama ay nakakakita na siya ng isang kapre na nakaupo sa sanga ng malaking puno ng mangga sa likod ng kumbento ng mga madre.

Sabi din ng mama ko na noong dekada syetenta ay nabulabog din sila ng kanilang pinsan habang sila ay naghahapunan. Pumunta kasi ng tabing-dagat ‘yong pinsan nila para magkopra. Maliwanag ang gabi noon dahil kabilugan ng buwan at napakasarap magtrabaho habang nagpapahangin sa harap ng Pacific Ocean. Payuko-yuko at pasipol-sipol siya habang nagko-kopra. At ng siya ay tumingin sa itaas ay nakita niya yong kapre na nakadungaw at nagmamasid sa kanyang ginagawa. Kumaripas siya ng takbo, tinalon niya ang mataas na bakod at sinira niya ang pinto ng kanilang bahay dahil sa kanyang pagkagulantang. Sabi ni mama na hindi daw alam ng insan niya kung paano niya natalon yong bakod na ‘yon.

Maraming malalaking puno ng acacia sa aming lugar. Hindi lang sa malalaki, ito ay mayayabong pa. Kadalasan dito nakikita ang mga malalaking nilalang na ito. Kung sa kuwento sa pelikula ay iisa lang ang nagpapakita, sa amin po ay dalawa-dalawa na para bang sarap na sarap na nagkwe-kwentuhan ‘yong mga nilalang sa sanga ng malalaking acacia.

Dalawang kuwento lang tungkol sa pagpapakita nito ang aking natatandaan na nangyari sa dekada nobenta. Iyong pahanon na wala pa masyadong naninirahan mahapit sa dalawang malaking punong acacia sa bunganga ng daan ng aming bayan. Isa rin itong malaki, matangkad at maputi na kapre. Ito po ay nakuwento ng isang farm worker namin na umuuwi sa kilometro saes. Pumunta kasi siya sa lungsod para manood lang ng Maalaala Mo Kaya.

Iyong pangalawang kuwento ay nangyari mismo sa gitna ng aming town plaza. Meron kasi punong acacia sa aming plaza. Hindi po iyon naganap sa gabi. Kadalasan kasi sa gabi lang nagpapakita ang kapre. Meron kasing activity ang DSWD noon kaya may parada ang mga Barangay Health Workers. Pagkatapos ng parada ay nagpakuha sila ng litrato sa lilim ng punong acacia. At nang ma-develop na ‘yong pictures ay nakita na lang  nila na nakapatong pala silang lahat sa tiyan ng kapre na nakahiga sa lilim ng puno. Hindi pa po uso ng digital camera o photoshop sa panahon na iyon.

Maraming beses na nagpapakita noon sa bayan namin ang mga kapre sa panahon na iyon. Wala pa kasi kuryente ng kapanahunan na iyon sa aming bayan. Mayayabong pa rin ‘yong mga punong kahoy doon at hindi pa masyadong maraming tao ang naninirahan. Wala pa rin ‘yong mga malalakas na hiyaw ng mga videoke machines sa kabahayan.

Siguro nag-migrate na rin sila sa ibang lugar kung saan ay hindi sila nabubulabog.

Posted by jadestone at 7:29 pm | permalink | comments[2]

pillow fight

March 14, 2009

“Meron kang tinatago sa akin!” konprunta ni babae kay lalaki.

“Ano naman tinatago ko?” sagot naman ni lalaki.

“Sabi mo na may lakad ka ngayon. Bakit di mo agad sinabi sa akin noong linggo?! Tinataguan mo talaga ako!” resbak ni babae.

Natatandaan ko yong isang forwarded email comparing the minds of men and women. Pinakita doon na masyadong kumplikado mag-isip yong babae kaysa mga lalaki. Kung diretsahan tinutukoy ni lalaki ang isyo, di agad ito tinutumbok ni babae. At kahit wala ka naman kasalan as long as sa isip nila may kasalanan ka ay ganon na rin yon.

Wife: “Nanbababae ka talaga!”

Hubby: “Paano mo naman nasabi ‘yon?”

Wife: “Napanaginipan kong may kasama kang  bebot sa hotel!”

Akala ko yong mga nagra-rugby, nagsha-shabu, etc lang ang nagtri-trip. Eh, kadalasan at karamihan ng mga babae ay tayong mga lalaki ang pinagtri-tripan. Siguro nami-misss din nila ‘yong hindi nila tayo naaaway? Gusto lang nila tayong asarin for the heck na maasar tayo.

Pero sa kabila ng kanilang mga dahilan (mainit ulo ko kasi may period ako) o sa kabila ng lahat ay mahal pa rin natin sila.

Posted by jadestone at 8:07 am | permalink | comments[3]

Proudly Tagon-on!

March 12, 2009

I could remember that it was last year during the Araw ng Tago that the “Mutya ng Tago” pageant was revived and a campaign “I’m proud to be a Tagon-on!” was also launched. I wasn’t able to attend the pageant but I knew through the various posts in the forum and Tago’s website how was the celebration.

I thought of a particular web badge or icon which could be used by Tagon-ons who own blogs, web journals or e-sites. That badge would identify them as Tagon-ons. They would then link the badge to Tago’s website.

Here are samples of badge I have fashioned with coreldraw x4 and corelpaint. I know there are Tagon-ons who are tech-savvy or design-savvy. They can make better designs than me.

proudlytagon-onbrown.png proudly tagon-on (brown-trans) image by unjaded_jade

tagon-onblue.png proudly tagon-on (blue 2) image by unjaded_jade

 

 

I even thought of sponsoring ‘Proudly Tagon-on!” Badge Contest but I don’t have the resources to undertake such. Maybe LGU-Tago can sponsor such event for this year’s Araw ng Tago.

The above badges were uploaded by me to my photobucket account.

Posted by jadestone at 5:19 pm | permalink | Add comment

a tragic loss

March 4, 2009

six days ago, the unexpected had happened. no one could believe that such horrible thing would come. two of my colleagues and mentors perished from a brutal car accident. our company car, an izusu crosswind, which was driven by kuya remy whose passengers that time were ms. caren and our area manager ,ma’am dida, was hit by a speeding loaded fish car in Quezon, Bukidnon.

my colleagues were on there way to Davao City after their last stop at one of our clients in Maramag, Bukidnon. the fateful accident claimed two lives of my colleagues - kuya remy and ms. caren. i don’t  know if there were fatalities also on the part of the fishcar’s passengers.  we are still thankful that our area manager who was with them had scaped the claws of death.

a lose of one dependable ally is so discomforting. but a lose of two friends and mentors is more painful and tragic. kuya remy was my first mentor. he was the very first person who became my close friend when i started out in the company. he was the one, in a sense, who oriented me about the working environment and the people in the organization. while ms. caren had tutored me in the basic operations of our company. she had guided me in the ins-and-outs of our job.

kuya remy, our company driver, was a constant awardee of the company. he was with the company for more than a decade and had been a hall of famer as a company driver. i never been in the crash site but i can safely conclude that he didn’t made an error on that fateful day. they were just minutes away from there last stop in Bukidnon.

he had enough rest before the said trip since we were together since monday. it was only during monday that they have a long trip from Davao City to Bislig City and then to Butuan City. on tuesday, he was only in Butuan City. the following day,  we only had a 2-and-half hour trip from Butuan City to Camiguin. and it was only a 2-hour trip from Talisayan to CDO on thursday.  we didn’t stay late on thursday. he retired to his hotel at 8pm.

i mourn their death. we, our company, mourn our lose. we pray that their souls may rest in peace eternally. we will surely miss you.

Posted by jadestone at 9:52 am | permalink | Add comment