mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Archives » January 2009

diyoy:cookies of the poor

January 29, 2009

Marami tayong hilig na cookies noong bata pa tayo. Ang mga mayayaman ay meron mga cookies ‘n cream, buttered cookies at kung anu-ano pang mga pangsosyal na mga pangalan. Samantala tayo namang mga anak ng mahihirap ay takam na takam naman sa kakakain ng patatas, rolling bayan (‘yong cookies na may matigas na swirl design na kulay red) at diyoy.

Nang nakalipas lang na Disyembre nalaman ko kung ano yong English name ng diyoy na kinahihiligan ko. Nagkataon kasi na naiihi ako pagbaba ko ng bus sa Ecoland Bus Terminal ng Davao. Sa kakahanap ko ng CR ay napadaan ako sa isang bakeshop. Nagkataon naman na meron silang tinitindang diyoy. Tapos nakasulat doon sa label  “sugar coated balls”.

Marami kasing supply ng cookies na ito noong kabataan ko pa. Nang tumuntong na ako ng hayskul ay dahan-dahan na itong nawala sa mga sari-sari stores sa aming bayan. Mas lalo pang mahirap hanapin ito noong nasa kolehiyo na ako.

Muli lang nagkasalubong yong landas namin ng ako na ay nagtratrabaho sa gobyerno. Ngunit napakalayo naman ng gumagawa nito sa aming bayan – 100 kilometers away from my town. Kaya kung nagagawi ako doon ay bumibili ako ng tag-iisang karton.

Matamis at sobrang lutong ng cookies na ito. Depende sa gumagawa, meron sobrang tigas. As in feeling mo matatanggal ‘yong ngipin mo pagkinakain mo ito dahil sa sobrang tigas. Ang basehan kung maganda ang pagkagawa ay kung hindi siya matigas pero sobra naming lutong nito.

Naalala ko pa noong nasa elementarya ako na ginagawa itong pangkulay ng lips ng mga kaklase ko. Yong kulay pula kasi na nagko-coat sa kanya ay nag-iiwan ng kulay pula na mantsa sa balat kaya inilalagay din nila sa kanilang mga labi.

Sa tuwinang  nag-aabot ang aming landas ay bumibili ako nito. Siguro if magawi naman ako ng Davao. Yong dati ko kasing suki sa Barobo, Surigao del Sur ay lumipat na ng tindahan. Hindi ko alam kung saan na siya ngayon gumagawa.

Posted by jadestone at 4:26 pm | permalink | Add comment

it’s somehow inaccessible

January 8, 2009

sinamantala ko ‘yong mahabang bakasyon last holiday season. ito yata yong pinakamataas na bakasyon sa history ng pilipinas kung di ako nagkakamali. two full weeks yata ito compared sa mga nauna na one week lang.

hindi naman talaga makauwi ng probinsya ‘yong mga kapatid ko kaya i make it sure na every holiday season ay umuuwi ako ng surigao para naman di masyadong ma-miss kami ng aming mga magulang. gusto ko rin umuwi doon sapagkat nagpapagawa din ako ng bahay. at least for awhile makatira man lang ako doon ng mahaba-haba. it’s one in a lifetime siguro mangyari ang ganitong pagkakataon kaya sinamantala ko na. hindi mo na kasi kailangan pa ng maraming leave credits para dito.

in short, nakauwi talaga ako sa amin. masaya rin naman doon kahit nga mahirap magpunta kasi it’s a long 12-hours land trip from cagayan de oro city. nasa surigao del sur kasi yong probinsiya ko. sabi nila na hindi naman masyadong malayo ito kasi 410 kilometers lang naman ito galing ng CDO. malapit nga lang kung distance yong  pag-uusapan natin pero hindi po maganda yong daan pagdating ng province namin. 

halos nalibot ko na kasi yong mindanao particularly ‘yong northern part nito. sa lahat ng napuntahan ko ay ‘yong sa aming probinsiya lang ang sira-sira ang daan. sira-sira in a sense na hindi pa ito naaspalto o nasemento. ‘yong lanao na mas problemado pa yong peace and order ay may magaganda pa at well-maintained ‘yong kalsada.

in fairness naman sa mga nakaupo sa gobyerno ay nasimulan na last year ‘yong konstruksyon sa mga pangunahing daan doon. last May 2008 nga nag-promise si president gloria na meron daw P1.0 billion na budget para sa Davao-Surigao Coastal Road Project. sana nga matapos na rin ito ngayong taon, 2009. medyo matagal na kasi na hinahangad naming mga surigaonon ang magandang kalsada.

kaakibat kasi ng magandang daan ay ‘yong progreso ng ekonomiya ng bayan o probinsya namin. sa usapin ng land transportation pa lang, meron nga kami doon aircon bus pero sira-sira naman o yong pinaglumaan na ng mga bus companies. mas madali rin iluwas yong mga produkto naming pang-agrikultura sa mga malalaking syudad.

sa kabila naman ng lahat ay pasalamat din kami sapagkat kundi dahil sa sira-sira naming daan ay hindi ma-preserve yong likas na ganda ng aming probinsya. marami kaming tourist spots na hindi pa spoiled up to these days. tulad na lang ng Tinuy-an Falls sa Bislig City, Enchanted River ng Hinatuan, Malinawa Cool Spring ng Cantilan, Cagwait White Beach, Lubcon Falls ng Cortes at kung anu-ano pa. 

Posted by jadestone at 12:38 pm | permalink | Add comment