mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Post Item » healed by the albularyo

healed by the albularyo

December 19, 2008

most of the city people don’t believe in the healing power of “quack doctors” or albularyo. sasabihin pa nila na di na uso pumunta ng albularyo kasi meron naman tayong mga modern doctors who are specialist in any field of medicine.  sa totoo naman talaga kaming mga promdi ay naniniwala sa mga makabagong medisina. subalit karamihan po sa amin ay can’t afford magpagamot sa mga medical university graduates nating mga doctors. isa pang problema dito ay iyong access sa kanila. kadalasan kasi nasa syudad at 1st class municipalities lang sila matatagpuan. paano naman iyong mga kababayan natin na lapakalayo sa bayan?

sandalan ang mga albularyo ng mga kababayan natin na can’t afford sa modern medicine at malalayo sa mga dalubhasang doktor. hindi naman siguro masama rin na kumusulta sa kanila sapagakat karamihan sa kanila ay gumagamit naman ng herbal medicines. pwera lang yong mga nagpapanggap na marunong manggamot para lang magkapera. 

hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na sa ngayon marami ng herbal medicines na gawa ng mga pharmaceutical companies. ito rin yata yong ginagamit ng ating mga dakilang lolo at lola sa panggagamot sa atin o panggamot sa kanilang mga sakit noon.

grade six ako noon at nag-summer vacation sa lola ko. ang lupain po ng lola ay napapaligiran ng bundok. nasa gitna ng lambak at malapit sa ilog nakatayo yong bahay nila. tumira ako doon ng kalahating buwan. mahirap pumunta doon noong araw kasi hindi accessible ang lugar sa public transportation jeepney. meron bumibyahe doon pero isang beses lang sa isang linggo. malayo din sa bayan bahay nila.

sa panahon na nandoon ako sa aking lola ay nagkasakit ako. sa loob lang ng isang araw ay nawala yong gana kong kumain. hindi naman mataas yong lagnat ko ng panahon na iyon pero pakiramdam ko sobrang taas nito. isipin mo na lang na hindi ka na makakatayo dahil sa umiikot yong mundo. kahit nakahiga ka nga ay umiikot din. daig ko pa nga yong malasing ng sobra-sobra dahil paglasing ako ay nakakatayo at nakakauwi pa rin ako ng bahay kahit hilong-hilo na. 

dahil wala ngang doktor at ospital na malapit doon sa lugar ng lola ay tinawag nila ang batikang albularyo. dali-daling pumunta si albularyong jose palma sa bahay. pagdating n’ya doon ay pinaupo niya ako at may ibinulong sa likod ng aking ulo. hindi ko naiintindihan kung ano yong sinasabi dahil mahina na nga ang  pagkabulong at ang bilis pa. tumagal iyon ng mahigit tatlong minuto. 

pagkatapos noon ay biglang sabi sa lola ko na ikuha ako ng pagkain at sabay sabi sa akin na kumain. at pwesto! as in,  pooop! it became coco crunch… iyon mismo ay bumalik ang gana kong kumain at nawala yong pagkahilo ko. sarap pa naman ng inihanda ng lola ko.

isang paksiw na kasili, isang mahabang eel na nakukuha sa ilog namin. ang sarap noon lalo na pagmalaki na yong kasili at mataba tapos niluto sa gata. ummmm… sarap talaga.

anyway, hindi ako makapaniwala na sa loob ng tatlong minuto lang nawala yong lagnat, pagkahilo ko at bumalik ang aking gana kumain. walang iba na ginawa si albularyo palma kundi ang  bulungan ako sa likod ng ulo. wala siyang kung anu-ano na inilagay o pinainom sa akin. may kakayahan lang talaga siyang manggamot.

nakakabilib ang ganong karanasan sa baryo ng lola ko. nakakabilib rin na tatlong minuto lang magaling kana. sigurado ako na kung dinala ako sa doktor, posible pang  umabot ako ng tatlong araw na naka-confine sa ospital. hindi masaa na kung minsan ay maniniwala tayo sa kakayahan ng mga albularyo. hindi po power of faith sa albularyo ang nangyari sa panahon na iyon dahil mangmang pa ako kumbaga sa panahon na iyon.

totoong albularyo has a healing power. 

 


Posted by jadestone at 8:10 am | permalink

Previous Comments

hi
we chanced upon your post a year ago about having seen a kapre and having an opened third eye and we would like to ask you if it will be alright to ask you a few questions about your experience with this/ these creatures?
we’re doing a study on philippine folklore creatures and we’re having a hard time finding participants who have actually seen these creatures. it would be greatly appreciated if you would honor our request
thank you

Posted by docsebo at March 17, 2009, 8:24 pm

hi doc,
i don’t really have the ‘interview with kapre’ experience. but my mother’s elder sister had seen one. that was in the ’80s. i only have a first-hand experience with a santelmo.

Posted by jadestone at March 19, 2009, 12:58 pm

Hi doc,

I recently established my first Ladies Residences in Quezon City with the aim of providing better lodging options for professionals, students and Fulbright scholars. However,I’ve noticed that in one room of the house, there seemed to have a different vibe; a feeling of intense angry or angsty energy. Having moved out from my hometown of Fairview, I no longer have communication with our reliable albularyo and manghihilot. If you do have services to cleanse a business establishment or house, we’d love to call you and talk to you about it. Generally, the house has a positive vibe or atmosphere, its just that in this particular section, I am having a lot of, shall I say, intense emotions from my lady residents. Please help. My number is 0916-5935461, 496-2565. Thank you.

Posted by Lady Residence at May 30, 2010, 10:13 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment