healed by the albularyo
December 19, 2008most of the city people don’t believe in the healing power of “quack doctors” or albularyo. sasabihin pa nila na di na uso pumunta ng albularyo kasi meron naman tayong mga modern doctors who are specialist in any field of medicine. sa totoo naman talaga kaming mga promdi ay naniniwala sa mga makabagong medisina. subalit karamihan po sa amin ay can’t afford magpagamot sa mga medical university graduates nating mga doctors. isa pang problema dito ay iyong access sa kanila. kadalasan kasi nasa syudad at 1st class municipalities lang sila matatagpuan. paano naman iyong mga kababayan natin na lapakalayo sa bayan?
sandalan ang mga albularyo ng mga kababayan natin na can’t afford sa modern medicine at malalayo sa mga dalubhasang doktor. hindi naman siguro masama rin na kumusulta sa kanila sapagakat karamihan sa kanila ay gumagamit naman ng herbal medicines. pwera lang yong mga nagpapanggap na marunong manggamot para lang magkapera.
hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na sa ngayon marami ng herbal medicines na gawa ng mga pharmaceutical companies. ito rin yata yong ginagamit ng ating mga dakilang lolo at lola sa panggagamot sa atin o panggamot sa kanilang mga sakit noon.
grade six ako noon at nag-summer vacation sa lola ko. ang lupain po ng lola ay napapaligiran ng bundok. nasa gitna ng lambak at malapit sa ilog nakatayo yong bahay nila. tumira ako doon ng kalahating buwan. mahirap pumunta doon noong araw kasi hindi accessible ang lugar sa public transportation jeepney. meron bumibyahe doon pero isang beses lang sa isang linggo. malayo din sa bayan bahay nila.
sa panahon na nandoon ako sa aking lola ay nagkasakit ako. sa loob lang ng isang araw ay nawala yong gana kong kumain. hindi naman mataas yong lagnat ko ng panahon na iyon pero pakiramdam ko sobrang taas nito. isipin mo na lang na hindi ka na makakatayo dahil sa umiikot yong mundo. kahit nakahiga ka nga ay umiikot din. daig ko pa nga yong malasing ng sobra-sobra dahil paglasing ako ay nakakatayo at nakakauwi pa rin ako ng bahay kahit hilong-hilo na.
dahil wala ngang doktor at ospital na malapit doon sa lugar ng lola ay tinawag nila ang batikang albularyo. dali-daling pumunta si albularyong jose palma sa bahay. pagdating n’ya doon ay pinaupo niya ako at may ibinulong sa likod ng aking ulo. hindi ko naiintindihan kung ano yong sinasabi dahil mahina na nga ang pagkabulong at ang bilis pa. tumagal iyon ng mahigit tatlong minuto.
pagkatapos noon ay biglang sabi sa lola ko na ikuha ako ng pagkain at sabay sabi sa akin na kumain. at pwesto! as in, pooop! it became coco crunch… iyon mismo ay bumalik ang gana kong kumain at nawala yong pagkahilo ko. sarap pa naman ng inihanda ng lola ko.
isang paksiw na kasili, isang mahabang eel na nakukuha sa ilog namin. ang sarap noon lalo na pagmalaki na yong kasili at mataba tapos niluto sa gata. ummmm… sarap talaga.
anyway, hindi ako makapaniwala na sa loob ng tatlong minuto lang nawala yong lagnat, pagkahilo ko at bumalik ang aking gana kumain. walang iba na ginawa si albularyo palma kundi ang bulungan ako sa likod ng ulo. wala siyang kung anu-ano na inilagay o pinainom sa akin. may kakayahan lang talaga siyang manggamot.
nakakabilib ang ganong karanasan sa baryo ng lola ko. nakakabilib rin na tatlong minuto lang magaling kana. sigurado ako na kung dinala ako sa doktor, posible pang umabot ako ng tatlong araw na naka-confine sa ospital. hindi masaa na kung minsan ay maniniwala tayo sa kakayahan ng mga albularyo. hindi po power of faith sa albularyo ang nangyari sa panahon na iyon dahil mangmang pa ako kumbaga sa panahon na iyon.
totoong albularyo has a healing power.










