mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Post Item » takatak lolo

takatak lolo

November 14, 2008

dito ko nakita yong mukha ng kahirapan. hindi ibig sabihin na walang mahirap sa aming lugar o sa probinsya na aking nakagisnan. sa totoo lang naman basta wala tayong pantawid ng gutom ay mahirap tayo. yon ang definition ko ng mahirap. as long as nakakain tayo, meron tayong damit at bahay na natutulugan ay dapat magpasalamat tayo sapagkat hindi tayo ay mahirap.

isang taon na ako dito sa kanlurang bahagi ng mindanao. sa isang highly urbanized na syudad. dito ko namamasdan yong kahirapan na may iba’t-bang mukha. merong nakakatawa at meron namang nakakaawa talaga. marami ang nagsisinungaling na mahirap sila. marami ang gumagawa ng “pekeng kahirapan”. yon ang pinakawalang-hiya, walang puso, walang balon-balunan, walang atay, etc na gawain dito.

hindi ko alam bakit nagpapanggap sila na mahirap at nakakaawa na meron naman silang pwedeng gawin.

araw-araw na pumapasok ako sa opisina ay aking napupuna ang hanggang lima na tao na namamalimos sa kalsada. diyan banda sa may c.m. recto avenue dito sa cagayan de oro. meron din akong nakikita na isang lolo na may dala-dalang paninda. isang takatak lolo. karamihan kasi takatak boys lang ang nakikita natin.

noong una ay naawa ako sa mga tao na nagpapalimos. binigyan ko ng pera. pero nakakainis na kasi dahil sa  isang taon ko na pamamalagi dito ay araw-araw na lang tuwing may pasok ako ay parehong tao ang nakikita ko na humihingi ng limos sa mga pasahero. sa ngayon ay hindi na ako nagbibigay ng kahit bente-singko sentimos. ginagawa na kasi nilang kalakal at hanap-buhay ang humingi ng pera.

ang lalakas pa naman ng katawan. minsan nga ay tinangka na banggain ng tsuper, tapos ang bilis makaiwas. pero kung humihingi ng pera ay para talagang walang nakakain at kaawa-awa. magaling lang talaga umarte, pang best actor na talaga sa PAMAS at URIAN Awards ang mga kutong na ito. 

naiinis ako dahil mas malakas pa yong katawan at mas maliksi pa sila sa lolo na may karga-kargang kahon na puno ng paninda na inaalok sa mga pasahero ng jeep. bakit hindi kaya nila gayahin si takatak lolo kaysa magpapalimos na lang sila ng tuluyan sa daan.

mas gugustuhin ko pang bumili ng isang kendi kay lolo kahit bayaran ko pa ng limang piso bawat kendi kaysa magbigay ng barya na may butas sa gitna sa kanila. hindi sila kaawa-awa. mas nakakaawa yong lolong naghahanap-buhay kahit sa ganoong edad na. mas kaawa-awa yong mga taong may kapansanan kaysa kanila na kumpleto naman ang parte ng katawan nila.

hindi ibig sabihin na wala talaga akong awa; na ako ay isang kampon ng kasamaan; na ako ay walang puso, balon-balunan lang at atay ang nasa loob ng aking katawan. naaawa lang ako sa taong nakikita ko na nagsisikap din para sila ay guminhawa. hindi  ako naaawa sa mga taong patuloy na nanghihingi lang sa iba para mabuhay. hindi po tayo baboy na umaasa na pakainin ng ating amo. tayo po ay tao. 

 


Posted by jadestone at 12:53 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment