mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Archives » October 2008 » Page 2

reckless baby-making

October 3, 2008

GO as in payag na payag ako sa panukala ni representative edcel lagman na ipatupad yong artificial family planning. hindi ako tutol doon. hanga din ako sa ibang mambabatas na sumuporta dito. di ko nga akalain na isang kongresista galing sa party-list ay sumusuporta din dito. kadalasan kasi ay tutol sila sa ganitong mga panukala.

hindi ko rin alam bakit tutol ang simbahan, partikular na ang katoliko, sa ganitong pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya. ano ba ang line that separates the two methods of family planning? obyos naman na sa pamamaraan lang sila nagkaiba. pero sa layunin ay pareho naman ang dalawa.

marami namang paraan para talaga maipasa ang panukala ni cong. lagman. pwede naman nating pagtulungan na pagandahin at pagtibayin pa ang panukalang ito. tanggalin yong mga probisyon na labag sa ating moralidad.

isa ako sa naniniwala na kailangan natin ang ganitong batas. alam ko na hindi ito sagot sa problema ng kahirapan. at least naman sa paraan na ganito ay matutulungan natin iangat ang buhay ng mga pamilyang pinoy. mas gagaan ang buhay kung slim ang size ng pamilya. mahirap magpakain, magbihis, magpaaral etc ng maraming anak especially na karamihan sa atin ay minimum wage earners lamang.

alam din natin na karamihan sa atin ay nagkakaroon ng maraming anak pero hindi ito ang kanilang kagustuhan. hindi nila hangad ang magkaroon ng anim o isang dosenang supling. dahil sa kawalan ng edukasyon at suporta hinggil sa family planning ay lalong lumulubo yong bilang ng kanilang pamilya.

ang paggamit ng condom o contraceptive pills ay hindi po  tayo kumikitil ng buhay.  ang abortion ang siyang kumikitil ng buhay. sa aborsyon ako sukdulang hindi pumapayag na isali sa panukala. ang sex education sa murang edad o pagtungtong pa lang ng grade 1 sa elementarya ay tutol din ako.

aminin na natin lahat na sa panahon ngayon ay hindi na masyadong epektibo ang natural family planning. maganda ang natural family planning, pero aaminin din natin marami ang malilibog sa ngayon. para maging epektibo ay kailangan natin ng alternatibo - ang artificial contraceptives. hindi po kasalanan ang gumamit ng pills at condoms dahil walang buhay tayong pinapatay. para lang yan masturbation na meron kang kapartner.

sa akin lang mas maganda yata ang modern method kasi sigurado akong hindi iyon magbubunga. isa pa hindi mo na kailangan i-suppress pa yong libido mo. hindi naman pinagbabawal ng simbahan ang sex kasi they are espousing nga the natural family planning method. pero kailangan mong mag-suppress ng libido dito. why not use mix method na lang, natural at modern, di ba? ibagay mo na lang sa circumstances, tuloy pa ang ligaya ninyo. 

aminin na rin natin na ang sex ay hindi para lang magkaanak. so bakit natin ipagkait sa mga mahihirap nating mga kababayan ang magkaroon ng access sa ganitong pamamaraan. hindi sa lahat ng oras na nagtatalik ang mag-asawa ay gusto nilang magkaanak. dahil sa mahal nga ang contraceptive pills at condoms at mahirap patayin si libido ay tinutuloy na lang nila ang ligaya. in short, buntis na naman si misis.

pinakamura yata na condom ngayon ay nasa P15 (tatlong piraso na ito). sa mga mahihirap na pamilya, yong kahig-tuka lang, mas uunahin pa nila ang bumili ng pagkain kaysa dito. kung mag-aabuno ang gobyerno ng ganitong mga materyal sa publiko, sigurado akong tatanggapin ito ng publiko. hindi na kasi nila kailangan pa maglabas ng pera para dito.

fact: hindi lang lalaki  kundi pati na rin babae ay mahilig sa sex. aminin nyo girls. ‘wag na kayong mahihiya. 

question: gusto n’yo ba magkaanak ng wala sa plano?

answer: alam n’yo na kung ano ang maiging gawin nyo. di ba kids?

naniniwala tayo na GOD is a GOD of Planning. kaya kailangan din nating planuhin ang  gusto nating mangyari sa ating buhay at kinabukasan. kasama na dito ang pagkakaroon ng pamilya. alam din natin na hindi magagalit ang panginoon kung maging responsable tayo sa pagpapalano ng ating pamilya. at sigurado tayong malulungkot siya kapag ang tao ay into reckless baby-making.

Posted by jadestone at 1:47 pm | permalink | Add comment