mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Post Item » optical illusion

optical illusion

October 31, 2008

siguro hindi kayo maniniwala na meron talagang mahaba at mataba na saging. hindi ko tinutukoy yong puno ng saging kundi yong bunga mismo ng saging. at hindi lang basta bunga ng saging kasi ang sinasabi ko ay yong isang piraso na prutas ng saging.

tingnan n’yo na lang ang picture na ito. ano ba ang malaki? masyadong bang maliit ang bata na may hawak ng isang pirasong saging o talagang mahaba at malaki yong piraso na ito?

hindi po ito isang prutas na bawal kainin. sa totoo lang po ay nakakain ang saging na ito. lahat naman yata ng saging ay nakakain kahit nga yong hindi nalulunok o nauubos kahit anong lunok pa ang gawin (hehehe).

karaniwan lang po itong saging na nakatanim sa farm ng aking kasama sa bahay. tigdok ang tawag nila sa saging na ito. talagang malaki, mahaba at napakabigat niy. mga limang tao siguro ang makakain noon sa bawat daliri ng saging. ilang galon kaya ng ice cream ang kailangan para gumawa ng isang banana split? 

kon ako isipon, bagan isa ka dako na planggana an isa ka sipi. na kun hunahunaon pa nimo kon uno kadako an isa ka-bulig. bagan amo ka kadako sa isa ka nati na kabaw. 

ang saging na nasa picture sa baba ay ipinatong sa isang regular na unan. yong kamay na nakikita niyo d’yan ay kamay ng isang twenty-something. maliit ba yong kamay ng twenty-something o masyadong maliit din yong regular na unan? hindi po throw pillow ‘yan at lalong hindi regular na unan ng sanggol.

 


Posted by jadestone at 2:10 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment