mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Post Item » stupid monkey or "money man"

stupid monkey or "money man"

October 25, 2008

isa talagang nakakatawa at nakakainis na pangyayari ang bagong isyo na ito. a retired comptroller of the Philippine National Police (PNP) nahuli na may undisclosed sum of money na bitbit pauwi ng pinas.

nakakatawa talaga ‘yong mga palusot nila na ito daw ay isang “contingency fund”. ano kamo? contingency fund? sabihin nyo yan sa grade one pupil baka mabola nyo pa. ganon kalaki ng halaga sasabihin nila na contingency fund? magkano ba ang kailangang pera ng walong delegante para sa pagtitipon na iyon? P69 million pesos ba?

sa pagkakaalam ko at nang lahat sigurong tao sa mundo na sa bawat activity o proyekto na pinaglalaan natin ng pundo ay sampung porsyento (10.0%) lang ang contingency fund na nilalaan nila base doon sa kabuuang halaga ng proyekto. Kung minsan man ay nasa 20% ang pinakamalaki. Kaya kung ating imatimatik (kwentahin) ang sinasabi nilang contingency fund na P6.9 milyon ay ibig lang sabihin na nasa P69 milyon pala ang gagastuhin ng bansa para lang makadalo ang walong alagad ng PNP. Di na kasali doon yong apat na asawa kasi nga daw they paid for their travel themselves. Totoo nga ba?

Ang budget sa travel expenses lang talaga ng walong pulis na dumalo for the 77th Interpol General Assembly sa Russia ay P2.3 milyon. Kasama na doon yong mga gastusin sa pagproseso ng kanilang mga papeles, pamasahe sa eroplano at daily allowances o per diem. simpleng matimatik, nasa mga P287,500 ang ginastos ng pamahalan sa bawat opisyal. sabi sa news na yong allowance ng bawat isang opisyal na pumunta doon ay nasa P130,000 para lang sa anim na araw na pagtitipon. Ohmygosh! Talo pa nila yong mga emplyedo ng gobyerno na naghihirap magtrabaho sa field na P130,000 lang ang natatanggap na sahod (gross income) sa isang taon. Katapat lang yon ng travel allowance nila sa pagliliwaliw sa ibang bansa sa  loob ng amin na araw.

Gamitin natin basehan yong P2.3 milyon nila na travel allowance, nasa P230,000 to P460,000 lang dapat ang kanilang contingency fund. may nabasa din akong artikulo sa newspaper na may isang opisyal ng PNP na nagpapaliwag na kailangan ng ganon  kalaki na pundo dahil daw noong nakaraan na mga pagtitipon meron daw isang pangyayari na nagkasakit yong isang delegado at personal money ang pinambayad nya doon at napakamahal pa naman ng medical services. Pero mamang pulis, hindi po ba kalabisan na rin yong magdala ka ng P6.9 milyon?

Ang mga delegado ay sina PNP Director and Comptroller Eliseo dela Paz, Deputy Directors General Emmanuel Carta and Isamel Rafanan, Directors Romeo Ricardo, Silverio Alarcio and Silverio  Doria, Chie Superintendent Jaime Caringal and Superintendent Elmer Pelobello, ang designated aide ng grupo. Kasama sa kanilang bakasyon ay ang kanilang mises na sina Cynthia Versoza, Maria Fe dela Paz, Evita Caringal at Anita Carta.

Nakakatawa talaga kasi ang tanga naman nila. Kung gagawa naman sana ng kalukuhan sana ay maigi ninyong pagpaplanuhan. Hindi kasi kayo nag-research. Meron nga tayong anti-money laundering act dito sa pinas pero alam naman namin na hindi kayo sisitahin kahit lampas sa $10,000 ang dala n’yong pera paglabas ng bansa kasi nga matataas kayong opisyal ng pamahalan. Walang sisita sa inyo. pero ibahin mo si mother Russia kasi hindi kayo bigatin doon.

Gusto ninyo ng simpleng tip. pwede naman hindi nyo na pinagpalit sa euro yong salapi na dinala nyo. Pwede rin namin na travellers check ang dalhin nyo. Pwede rin naman kahit pinagpalit mo sa euro (150,000 euros) si ninoy (P500 bill) ay dinibay-dibay (divide) mo sa mga kasamahan mo. Di ba walo kayo at meron pa kayong apat na asawa na kasama? solve na sana; lusot na sana kayo sa anti-money laundering.

Paano naman kasi hindi kayo nakinig kay manong jun lozada. Sana kasi you moderate the greed. Sa per diem pa lang ay dinoble na ninyo - $467 ang binigay nyo sa bawat isa. Klaro, maliwanag at clear naman ‘yong probisyon sa UN Development Program na $220 lang ang standard travel allowance sa St. Petersburg.

Ang masama pa sa lahat ay hindi na mapapakinabangan pa ng pinas kung ano man ang natutunan ni mamang pulis doon sa Russia. Paano naman kasi isang delegado lang doon ang nasa edad 47, yong iba ay nasa edad 55 na. magreretiro po yong pulis sa edad na 56. sana ang pinadala ay mga opisyal na magsisilbi pa sa bayan ng mahigit limang taon.

Sa aking pag-uunawa kaya nahuli sila ay dahil si mamang comptroller, Eliseo dela Paz, ay hindi nga talaga finance expert. Siya po ay isang pulis.


Posted by jadestone at 4:22 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment