Home » Post Item » i weather the storm and change the climate
i weather the storm and change the climate
October 15, 2008isang napakahaba at napakatagal na paghihintay. isipin mong lampas pitong taon kung hinintay, buhat ng ako ay nagtapos ng kolehiyo, ang pagkakataon na maging isang ganap na regular na empleyado. pitong taon, apat na buwan at labing-tatlong araw to be exact. napadpad muna sa tatlong major cities ng bansa, nagtrabaho sa luzon, visayas at mindanao, apat na kumpanya muna ang napasukan bago ko nakamit ang matagal ko ng minimithi.
sa wakas.. este hindi pala wakas kasi kakasimula pa nga lang. sa pagkakataong ito ay lumiliwanag na yata ang aking bukas. noong isang araw lang (October 13, 2008) ay natanggap ko na yong appointment ko galing sa head office. noong nakaraang biernes pala napirmahan ni chair yong appointment ko.
parang prophetic na yata din si badoodles, isa siyang blogger na makulit. sabi kasi nya na pagnakalimang employment ka na raw ay doon ka na magtatagal. parang magiging sawa ka na raw sa kaka-company hopping. tamang panahon na daw iyon para tayo ay mag-settle down. katulad rin pala ito ng pag-aasawa yata na dahil sa pagod ka na mambabae o manlalaki ay kailangan mo na magkaroon ng sariling pamilya.
nagdila-anghel yata talaga si badoodles dahil panglima ko itong employment. sa apat na employment ko dati ay hindi ko naraasan ang maging isang ganap na regular na empleyado kasi nga umaalis din naman ako sa paghahanap nang trabahong mapapasukan na pwedeng tumugon sa aking long-term plans. dati kasi lahat short-term plans lang ako kasi nga ‘yong income ko ay hindi secured o regular. meron mga banta na pwede akong mawala in a month’s notice.
masaya ako dahil sa pagkakataong ito ay pwedeng-pwede ko ng gawin yong mga long-term plans at investment plans natin. pwede na rin mag-asawa kapag meron ng babae na handang magtiwala (laugh).
masaya din ako dahil hindi ko inakala na darating pa ang araw na ito sa aking buhay. marami ng pagkakataon na ako ay nawalan na ng gana para magtrabaho. hindi ko na nga inisip na mabigyan pa ako ng appointment. naisip ko nga na maghanap ng bagong trabaho pagkatapos ng pasko. pero sa bagong development ngayon, dito na yata ako tatanda sa kumpanyang ito. AT malapit na rin siguro ako maging citizen CDO.
iniisip ko talaga kung anong dahilan bakit binigyan pa ako ng appointment. paano kaya ako nila nilakad doon kay president at saka kay chairman? hindi kasi ako bilib sa nagawa ko sa kumpanyang ito na pwede maging basihan nila para i-appoint ako. ‘yong performance level ko kasi ngayon ay hindi at par sa dati kong pinapasukan. hindi naman siguro bumababa ‘yong level ng performance ko dahil tumatanda ako. siguro sobra lang talaga expectations ko sarili.
hindi kasi natin alam kung paano ina-assess tayo at kung ano ang takbo ng utak ng boss natin. kaya kahit hindi pasado sa aking expectations ang nakaraang performance ko ay salamat na rin at nagtiwala ang mga makapangyarihan sa kumpanyang ito sa akin. people gain wisdom as they aged. so bakit pa natin hanapan ng rason kung bakit naniwala sila sa atin. pagbubutihin ko na lang trabaho ko kasi sa likod ng maliit (maliit o makitid ba?) kong utak may boses na nagsasabi na pasalamat na lang ako dahil may nagtiwala pa sa akin.
anyways, good luck na lang sa akin sa darating na araw.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

















