optical illusion
October 31, 2008siguro hindi kayo maniniwala na meron talagang mahaba at mataba na saging. hindi ko tinutukoy yong puno ng saging kundi yong bunga mismo ng saging. at hindi lang basta bunga ng saging kasi ang sinasabi ko ay yong isang piraso na prutas ng saging.
tingnan n’yo na lang ang picture na ito. ano ba ang malaki? masyadong bang maliit ang bata na may hawak ng isang pirasong saging o talagang mahaba at malaki yong piraso na ito?
hindi po ito isang prutas na bawal kainin. sa totoo lang po ay nakakain ang saging na ito. lahat naman yata ng saging ay nakakain kahit nga yong hindi nalulunok o nauubos kahit anong lunok pa ang gawin (hehehe).
karaniwan lang po itong saging na nakatanim sa farm ng aking kasama sa bahay. tigdok ang tawag nila sa saging na ito. talagang malaki, mahaba at napakabigat niy. mga limang tao siguro ang makakain noon sa bawat daliri ng saging. ilang galon kaya ng ice cream ang kailangan para gumawa ng isang banana split?
kon ako isipon, bagan isa ka dako na planggana an isa ka sipi. na kun hunahunaon pa nimo kon uno kadako an isa ka-bulig. bagan amo ka kadako sa isa ka nati na kabaw.
ang saging na nasa picture sa baba ay ipinatong sa isang regular na unan. yong kamay na nakikita niyo d’yan ay kamay ng isang twenty-something. maliit ba yong kamay ng twenty-something o masyadong maliit din yong regular na unan? hindi po throw pillow ‘yan at lalong hindi regular na unan ng sanggol.
stupid monkey or "money man"
October 25, 2008
isa talagang nakakatawa at nakakainis na pangyayari ang bagong isyo na ito. a retired comptroller of the Philippine National Police (PNP) nahuli na may undisclosed sum of money na bitbit pauwi ng pinas.
nakakatawa talaga ‘yong mga palusot nila na ito daw ay isang “contingency fund”. ano kamo? contingency fund? sabihin nyo yan sa grade one pupil baka mabola nyo pa. ganon kalaki ng halaga sasabihin nila na contingency fund? magkano ba ang kailangang pera ng walong delegante para sa pagtitipon na iyon? P69 million pesos ba?
sa pagkakaalam ko at nang lahat sigurong tao sa mundo na sa bawat activity o proyekto na pinaglalaan natin ng pundo ay sampung porsyento (10.0%) lang ang contingency fund na nilalaan nila base doon sa kabuuang halaga ng proyekto. Kung minsan man ay nasa 20% ang pinakamalaki. Kaya kung ating imatimatik (kwentahin) ang sinasabi nilang contingency fund na P6.9 milyon ay ibig lang sabihin na nasa P69 milyon pala ang gagastuhin ng bansa para lang makadalo ang walong alagad ng PNP. Di na kasali doon yong apat na asawa kasi nga daw they paid for their travel themselves. Totoo nga ba?
Ang budget sa travel expenses lang talaga ng walong pulis na dumalo for the 77th Interpol General Assembly sa Russia ay P2.3 milyon. Kasama na doon yong mga gastusin sa pagproseso ng kanilang mga papeles, pamasahe sa eroplano at daily allowances o per diem. simpleng matimatik, nasa mga P287,500 ang ginastos ng pamahalan sa bawat opisyal. sabi sa news na yong allowance ng bawat isang opisyal na pumunta doon ay nasa P130,000 para lang sa anim na araw na pagtitipon. Ohmygosh! Talo pa nila yong mga emplyedo ng gobyerno na naghihirap magtrabaho sa field na P130,000 lang ang natatanggap na sahod (gross income) sa isang taon. Katapat lang yon ng travel allowance nila sa pagliliwaliw sa ibang bansa sa loob ng amin na araw.
Gamitin natin basehan yong P2.3 milyon nila na travel allowance, nasa P230,000 to P460,000 lang dapat ang kanilang contingency fund. may nabasa din akong artikulo sa newspaper na may isang opisyal ng PNP na nagpapaliwag na kailangan ng ganon kalaki na pundo dahil daw noong nakaraan na mga pagtitipon meron daw isang pangyayari na nagkasakit yong isang delegado at personal money ang pinambayad nya doon at napakamahal pa naman ng medical services. Pero mamang pulis, hindi po ba kalabisan na rin yong magdala ka ng P6.9 milyon?
Ang mga delegado ay sina PNP Director and Comptroller Eliseo dela Paz, Deputy Directors General Emmanuel Carta and Isamel Rafanan, Directors Romeo Ricardo, Silverio Alarcio and Silverio Doria, Chie Superintendent Jaime Caringal and Superintendent Elmer Pelobello, ang designated aide ng grupo. Kasama sa kanilang bakasyon ay ang kanilang mises na sina Cynthia Versoza, Maria Fe dela Paz, Evita Caringal at Anita Carta.
Nakakatawa talaga kasi ang tanga naman nila. Kung gagawa naman sana ng kalukuhan sana ay maigi ninyong pagpaplanuhan. Hindi kasi kayo nag-research. Meron nga tayong anti-money laundering act dito sa pinas pero alam naman namin na hindi kayo sisitahin kahit lampas sa $10,000 ang dala n’yong pera paglabas ng bansa kasi nga matataas kayong opisyal ng pamahalan. Walang sisita sa inyo. pero ibahin mo si mother Russia kasi hindi kayo bigatin doon.
Gusto ninyo ng simpleng tip. pwede naman hindi nyo na pinagpalit sa euro yong salapi na dinala nyo. Pwede rin namin na travellers check ang dalhin nyo. Pwede rin naman kahit pinagpalit mo sa euro (150,000 euros) si ninoy (P500 bill) ay dinibay-dibay (divide) mo sa mga kasamahan mo. Di ba walo kayo at meron pa kayong apat na asawa na kasama? solve na sana; lusot na sana kayo sa anti-money laundering.
Paano naman kasi hindi kayo nakinig kay manong jun lozada. Sana kasi you moderate the greed. Sa per diem pa lang ay dinoble na ninyo - $467 ang binigay nyo sa bawat isa. Klaro, maliwanag at clear naman ‘yong probisyon sa UN Development Program na $220 lang ang standard travel allowance sa St. Petersburg.
Ang masama pa sa lahat ay hindi na mapapakinabangan pa ng pinas kung ano man ang natutunan ni mamang pulis doon sa Russia. Paano naman kasi isang delegado lang doon ang nasa edad 47, yong iba ay nasa edad 55 na. magreretiro po yong pulis sa edad na 56. sana ang pinadala ay mga opisyal na magsisilbi pa sa bayan ng mahigit limang taon.
Sa aking pag-uunawa kaya nahuli sila ay dahil si mamang comptroller, Eliseo dela Paz, ay hindi nga talaga finance expert. Siya po ay isang pulis.
my virtual friend
October 22, 2008the japanese started the craze. the world is raved by a new phenomenon. a phenomenon that changes on how people look at their best friends. people recognized the advent of virtual friends. they adopted tamaguchi, a japanese virtual pet.
but i am not talking about tamaguchi or the many virtual or online pets or gadgets that are flooding our market today. i am not talking about some sort of technology-created being. i am talking about a real breathing person, a real lady and a real mother.
i met her courtesy of technology - through the cybermyx, a segment of MYX music channel. it was in the early november of 2001. we were both grappling and sailing through rough seas then. we both had personal issues and we depended on eah other. the one, two or more (sms) messages we exchanged daily kept as sane everyday. we believed that there are still better days and brighter tomorrow despite the nimbus clouds hanging over our heads.
it has been seven long years now that we had remained in touch with one another. we weathered some storms in our respective lives and had lived happy somehow. our communications were not regular or constant. you can actually count it with your fingers the frequencies of our conversations in a year. though occasionally, we have exchanged letters (not love letters) for one year especially during special days or holidays. there were even years when we only communicated twice a year - on her and my birthday.
what is laughable about it was she was my first textmate and i was her first too. more funny is she became my first and last textmate. we were textmates but i could not remember if we really had exchanged more than 10 sms daily. the unlimited txt and call services were not yet on the drawing board of the giant mobile phone providers yet people were starting to become text-holic then.
i never had met this friend personally even we were afforded with opportunities. but we do see each other in friendster now. we never actually have done chatting online. our communications were through mobile phones only.
what keep us until now is because we trusted each other. we didn’t think of our friendship budding into something special or hoping that it would become a romantic one. we talked about our families, our lives and the guy or girl of our lives. and we talked about our works. she was connected with the local government unit and i was with the academe then. until now, we still have this line of conversation. nothing really have changed. we were, as always, excited on what’s next; what’s instore for us by life.
she is from up north - from bataan and still resides there today. ms. merriza “izza” dugay is truly my virtual best friend. now a mother to a very pretty girl “tinay” and a loving wife to a husband. she’ll probably be a godmother of my future child. i’m pretty sure she’ll be happy with it.
until then, my best friend.
i weather the storm and change the climate
October 15, 2008
walk on murky water
October 14, 2008seventeen days to go na lang at mag-iisang taon na ako dito city of golden friendship. pero bago ako mag-isang taon na namalagi dito ay naranasan ko ang isang bagay na akala ko wala dito.
mag-isang taon din akong namalagi sa cebu pero hindi ko naranasan ang matrapik at maglakad sa baha doon. bumabaha man doon sa cebu pero ito ay malayo sa aking/aming tinitirahan. nalalaman ko na lang ang mga pangyayaring ito sa balita.
nang ako’y mapadpad sa makati city ay inakala ko rin na walang baha don sa paniniwala na ito ay isang highly urbanized city at business district pa ng NRC. pero mali ang aking akala dahil doon mismo ay naranasan ko ang maglakad ng mahigit na tatlong kilometro sa tubig baha. nakakatawa nga kasi sabi namin na kung mahuhulog kami sa manhole siguradong patay kami at magiging sentro ng kalokuhan o jokes sa aming burol. sino naman kaya ang mag-aakala na lumaki kami na kaharap si pacific ocean tapos sa baha lang pala sa isang syudad kami malulunod. mabuti pa ang malunod sa tago river o sa pacific ocean kaysa sa baha.
noong nakaraang tatlong buwan ay binaha rin yong cagayan de oro city. pero hindi ako naniwala agad sa sinabi nila. araw ng linggo ‘yon at nasa bahay lang ako nagpapalaki ng aking betlog. kinaumagahan nang ako’y papasok na ng opisina ay nakita ko talaga yong bakas ng baha sa may C.M. Recto Avenue; dito sa CDO na Recto dihins sa Manila. nakita ko ‘yong mga utility personnel ng dalawang bangko na naglilinis at naglilimas ng tubig. yong mga delivery trucks din ng coca-cola ay parang nalublob sa maputik na taniman ng palay.
pero hindi pa rin ako naniniwala na lampas baywang ‘yong tubig at umaalon pa ng nakaraang gabi. malapit lang kasi yong tinitirhan ko sa lugaer na ito. kalahating kilometro lang yata at wala naman tubig baha sa amin.
at dahil sa pangyayari kagabi ay naniniwala na talaga ako na umaabot sa ganoon kalalim yong tubig. nagtaka kami kung bakit walang dumadaan na jeep doon sa may cogon area papunta sa aming bhauz. mahigit dalawang oras na kami doon na nag-antay. nag-usisi kami sa mga tricycle drivers at ibang tsuper ng jeep at nalaman namin na may baha daw doon sa bandang Recto, MPSC, Limketkai at Mega. Ayaw namin maniwala kasi hindi naman malakas yong ulan at bandang 6:00 ng gabi na umulan kahapon tapos mag-aalas otso pa lang ng panahon na iyon.
sumakay kami sa iisang jeep na dumaan cogon pero sinabi sa amin na hanggang Limketkai Mall lang daw kami kasi hindi siya makakadaan doon sa malapit sa bhauz namin. at nang dumating nga kami sa mall ay doon talaga namin nadatnan yong hili-hilirang kotse at taxi na tinutulak ng mga tao dahil nilunod ng tubig-baha yong makina nito.
sarado na ang mall ng dumating kami doon kaya wala kaming choice kundi suungin nalang ang tubig-baha dahil naghihingalo na yata yong mga alaga namin sa loob ng aming tiyan. binaybay namin yong baha galing sa plaza fair hanggang sa mega dahil lampas-tuhod lang lalim nito. sa kabilang side kasi yong papuntang MPSC ay lampas ulo na ‘yong tubig kung si dagul ang palalakarin mo doon. sa totoo talaga ay walang sasakyan na makakadaan doon kahit na yong mga malalaking delivery truck. umaapaw na rin yong tubig sa creek.
sa madaling salita ay nakarating din kami kay kumpareng rons at nabusug ng pork bbq nya.












