mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Archives » September 2008

drag like a bitch

September 29, 2008

may gasgas na kasabihan na hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin natin.. siguro dahil tama naman ang ibig ipahiwatig nito. siguro naisulat na ito noong kapanahunan pa ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo…. natin na naisalin sa iba’t-ibang henerasyo na.

“you can’t serve two masters at the same time”

totoo naman.mahirap talaga kung ikaw ay maiipit sa ganitong sitwasyon. akala ko tapos na ang kapalaran kung ganito sa dati kung trabaho sa gobyerno pero hindi pala. dati kasi parangdalawa ‘yong boss ko. kailangan ko i-please yong immediate superior at yng division chief naman namin. pero kung tutuusin ay dapat sa immediate superior lang ako at si immediate superior naman ang magre-report o mag-aano (gets nyo na yon!) sa division chief namin. sa halip ay ako rin ang gumagawa. 

yon ay ang dati kasi pagkatapos noon ako naman ang superior. sa akin naman sila nagre-report at pinapawisan. pero hindi nagtagal yon kasi hindi ako nagtagal sa trabahong iyon. umalis ako dahil nga sa mapili ako sa trabaho.

sa ngayon ay balik gobyerno naman ako. hindi corrupt. kayo talaga pagsinasabi na gobyerno, corrupt agad ang nasa isip nyo. dahil kung ako ay isang kurakot siguro ay meron na akong maraming pag-aari ngayon dahil nga sa financial services ang linya ng trabaho ko. pero maka-diyos ang taong ito. hindi nga ako nakakagpadala ng pera sa parents ko.

anyways, sa trabaho ko ngayon ay parang bumalik yong kahapon. history repeats itself kumbaga ang drama ng career ko ngaoyon. isipin mo nga na naipit naman ako sa parang dalawang amo, dalawang boss. pero sa katunayan ay iisa lang talaga ang immediate superior at pinakaboss ko dito sa mindanao. 

ito kasi ang drama ng trabaho. ako ay isa lang na nag-oopisina sa malayong lugar. malayong lugar ba talaga? meron akong opisina pero desk office tawag namin kasi iisang desk lang yon. nakikitulog kumabaga ako sa mother agency namin. but it’s ok. hindi ko sasabihin bakit it’s okay for me. kasi if matalino ka, alam mo na yon. 

desk officer ang tawag nila sa akin. kasi nga meron desk at ako naman ang officer. meron akong mga kasama sa opisina na meron ding mga desk pero hindi kami magkapareho ng trabaho at ahensya na pinapasukan. sa desk office ko ay all-around maid este officer ako. ako yong officer of the day, boss, amo, manager. ako rin ang secretary, admin officer at janitor. in short akin po lahat ng work. so in short and it only means na trustworthy, uliran at masipag ako magtrabaho.. ehem..ehem.. ehem…

at dahil nga ganito ang klase ng set-up ng office ko sa ngayon, sa ngayon kasi alam ko na sa darating na taon kung may darating ba na panahon ay magdagdag sila ng magiging assistant ko o di kaya ay ako ang magiging assistant ng idadagdag na tao dito, ay lahat po ng trabaho ay kakayanin dapat ng powers ko. 

samakatuwid, kung meron activity o project ang isang departamento ng ahensyang pinapasukan ko dito sa area ko ay dapat trabaho ko rin kasi nga ako lang tao dito. ako ang manager at tauhan sa lahat ng departamento. so carry nyo? hindi! but yakang-yaka ko. kaya kahit specific na sa isang department lang ako ay ginagawa ko na rin ang ibang trabaho.

ang masakit lang at nakakapanggigil ay ang demand ng ng mga tao na hindi ko naman kasama sa departamento. sana marunong silang tumingin at umunawa na sila ay nakikisuyo lang dahil sa katunayan ay hindi naman talaga obligasyon ko na gawin ang mga bagay na sila dapat ang gumagawa. it’s an extra-effort na nga sa akin. extra-milestone na lang kaya para mas maganda pakinggan.

salamat dahil sa tunay kung amo, bossing, manager ay napakaunawain nya sa akin at sa mga responsibilidad na aking pasan dito sa isang opisina sa napakalayon lugar. lampas sa jupiter pa. kaya sa ngayon ay  pansamantalang naiipit ako sa gawain ng dalawang mag-ibang departamento. pero sa pagakakataon ding ito ay alam ko kung ano at kung sino ang una kung susundin at susuwayin. like millions, i have made a choice and switch to CLEAR!

 

Posted by jadestone at 4:46 pm | permalink | Add comment

you dont need to win every argument

September 23, 2008

sabi nila na you will never win an argument with your wife. di ko alam kung totoo kasi wala pa naman akong asawa. siguro kung nasa gitna ng hated argument, wala talagang nananalo doon. but nakikinig naman jowa natin if malamig na ulo nila

pero sabi din nila na  “if you already won her heart, you don’t need to win every argument..” pero sana di naman kayo mga girls aabuso. hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mali kami na may mga betlogs. nadadala naman sa mabuting/maboteng usapan ang mga bagay-bagay.

anyways, meron akong nakita na speech during a convocation. sa tingin ko naman ay worth posting dito at meron tayong mga mahahalagang aral na mapupulot dito. (more…)

Posted by jadestone at 4:58 pm | permalink | Add comment

i’m engaged

September 12, 2008

minsan ko na itong naisip at naplanong gawin pero hindi talaga yata oras pa niya noon. kasi indi siya natuloy. sabi nga nila na darating din yan pag-oras na nya talaga kahit hindi mo man isipin.

matagal ko na talagang balak na gawin ito kasi nakikita ko rin na parang nawala na yong sinasabi natin na palabra de honor. word of honor in english kumbaga. palagi ko na kasing sinasabi na ganito at ganyan ang gusto ko mangyari sa buhay ko. pero parang hindi na yata tumatalab at hindi na yata nagkakaroon pa ng kahulugan yong mga sinasabi ko. sa pagkakataong ito, mas maganda talaga kung meron tayong makikita na katunayan na totoo ang ating mga sinasabi.

We-Got-Engaged.gif napag-isipan ko na ito nong dati pa at noong nagkaroon nga ako ng pagkakataon ay nagulo pa yong plano ko sa hindi ko inaasang bagay. akala ko nga na wala na talagang mangyayari pang ganito. pero ika nga na dapat ipaglaban natin ang ating bukas o kinabukasan lalong-lalo na yong kinabukasan ng ating mahal sa buhay.

kaya yon na nga naisip ko na ituloy yong aking balakin sa kaarawan ng nag-iisang babae na minahal ko ng lubusan. ang nag-iisang babae, maliban sa aking kapatid at mama, na  kung saan umiikot lang ang aking mundo. ang rason bakit gumagapang ako para magkaroon ng magandang kinabukasan.

ang unang plano ko talaga ay gawin ito sa bohol, na alam naman natin na hindi natuloy. kaya napag-isipan ko na lang gawin sa camiguin white island para medyo romantic naman dahil sa gitna ng dagat at nasa fiery volcanic island pa ang setting.

dahil plano ko naman talaga na lumuwas ng cebu para sa kaarawan ng aking maylabs at i-treat siya sa kaarawan niya sa isang di naman gaanong mahal na resort doon, ay naisipan ko na rin na doon ko na lang gawin. ginawa ko na lang siya na parang bang birthday present ko. (pasensya na maylabs kasi parang nagkukuripot din ako hehehe)

kaya doon mismo sa gitna ng resort na kami lang yata ang bisita ng panahon na yon dahil weekdays noon ay ginawa kong mag-wedding proposal. hindi ko malaman kung ano aking gagawin at yong aking nararamdaman. nandoon yong takot na baka siya ay mag-walkout o sabihin niya na ayaw niya muna at ipagpaliban muna namin ang mga bagay na ito.

nawala lang yong takot na yon ng sinabi na ng aking maylabs ang katagang “YES!” nawala ang yong takot ko pero di ko naman maipaliwanag ang ligaya na aking naramdaman ng panahon na yon. hindi ko maipinta kung gaano ako kasaya. dalawang araw bago maging ganap na kalahating taon simula ng nabili ko yong engagement ring ay naisuot ko rin ito sa daliri ng aking maylabs. at nangyari yon sa kaarawan niya pa mismo.

masasabi ko na iyon talaga ang itinakda ng panahon para gawin ko iyon. sa isang lugar na malayo sa probinsya namin. sa isang lugar na pinapaandar ng tubig na galing sa bukal. isang bukal na patuloy na nagbibigay buhay o tubig tulad ng pag-ibig namin na patuloy na bumubuhay sa aming relasyon kahit sa dami ng mga pagsubok o problema na aming napagdaan o pagdaanan pa.

sana patuloy din na ibuhos sa amin ng poong maykapal ang kanyang blessings .

 

 

Posted by jadestone at 5:04 pm | permalink | Add comment

sumbada, the old way of fishing

September 10, 2008

hindi ako nahihiya o mahihiyang aminin na ako ay laking probinsiya. bagkus ay maipagmamalaki ko pa na taga-probinsiya ako. mas masarap yata ang buhay at lumaki sa probinsiya kaysa sa cities. walang trapik, walang polusyon at sariwa lahat ang mga pagkain.

meron baha man sa probinsiya pero hindi ganyan kasagwa sa baha sa cities. noong kabataan ko pa nga, nagpapasalamat yata ako noon pagbumabaha kasi meron kaming pagkakataon maglaro o sumakay ng bangka na palibot-libot lang sa aming bahay. hindi na namin kailangan pumunta ng tago river para mamangka. hindi lang namin alam noon na nasisira pala yong pananim namin.

ang tago river ay ang pinakamahabang ilog sa probinsiya ng surigao del sur. dahil sa illegal logging noon, umaapaw yong tubig-ilog sa panahon ng tag-ulan. ang ilog na ito rin ay tahanan ng sumbada noon. sa ngayon kasi malamang hindi kana makakakita ng ganitong istraktura sa ilog. parang nawala na yata ito ng maghayskul na ako. kung meron pa man, marami na yong dalawa sa ngayon.

ang sumbada ay isang uri ng istraktura na nakalutang sa tubig o ilog. ito ay pangunahing ginagamit sa pangingisda at bahay na rin o tulugan ng mga mangingisda. para itong isang bahay-kubo na ipinatong sa dalawang malaking bangka. yong dalawang bangka ang siyang nagsisilbing float nito. yong bahay ay nakapuwesto sa gitna at may mga tulay na nagdudugtong sa dalawang bangka sa gilid nito. kumbaga, para bang floating cottage na hindi bamboo raft ang ginagamit.

gumagana lang ito kapag walang buwan o yong hindi kabilugan ng buwan sapagkat gumagamit ito ng ilaw na inilalagay nila sa gitna ng istraktura para ipunin at hulihin ang isda gamit ang malaking lambat. sabi kasi nila pupuntahan daw ng isda yong ilaw.

kaya araw-araw ay may sariwang isda kami galing sa ilog. siguro karamihan ayaw kumain ng isda galing sa ilog. pero sa aming bayan mas masarap ang isda galing sa ilog kaysa galing sa dagat.

ang sumbada ay walang makina na pwede mo siyang patakbuhin o papuntahin sa isang lugar. stationary floating structure po ito. kakailanganin ng isang motor-powered boat para hilain o ilipat yong location nito sa ilog.

sa panahon ngayon meron naman mga sumbada pa rin tayong makikita sa paligid. kung tutuusin ay meron din naglipana sa iba’t-ibang bahagi ng pinas. sa katunayan nga sa loboc river of bohol ay meron modern sumbada. hindi nga lang ginagamit para mangisda pero ginagamit naman bilang kainan. ito yong floating restaurant nila. makapareho din yong design at concept ng sumbada na ginagamit sa pangingisda.

sayang nga dahil hindi ko naranasan ang makatulog at mangisda o tumira sa isang sumbada na pag-aari ng pinsan ko. isang beses nga niyaya ako nya ngunit meron akong prior appointment that time. kaka-bad trip nga. kakaiba kasi ang feeling ng mangisda gamit ang sumbada kaysa yong bangka at gumagamit ka lang ng lambat.

Posted by jadestone at 8:18 am | permalink | Add comment

malnourished

September 6, 2008

nan isa na semana ako yabantayan kada buntag na moagi ako dapit sa department of agriculture regional office ngadi sa cagayan de oro, yaon isa ka mananap na familiar kadayaw kay yatao sa lagi sa bukid. laong pa nila mamanwahay sab lagi kita kuno.

sa una ko pagkakita yaon pa siya liya-liya o kangga na pagaguyod. yaon siya yahibutang sa kilid nan ila opisina. dapit mismo sa karsada. pagtoo nako dad-on nila sa mall kay ipasuroy-suroy ngadto hamay da matignawan sa aircon kay bagan permi dakan lamang ini gabilad sa suga o galamutik nan lapok. 

inkasaydan ko pa na dad-on baya siya sa kapitolyo nan misamis oriental kay yaon ila tabo ngadi - tabo nan agriculture. kuman sa na semana an tabo, gasugod nan lunes hangtod sa bernes. ako duda na siya an bida ngadto.

sos yatapos na lamang an bernes wara gayud siya mada ngadto sa kapitolyo. gadahom na taraw ako na ilugan siya ngadto nan mga tao kay grabe siya ka special ug unique. ambaya kaw an iya da liya-liya an tagda ngadto. kuman yaon dakan siya gahuyaon sa ubos nan mangga dapit sa koral.

an ako pagduda na wara siya mada ngadto sa kapitol kay dili siya special o unique baya. siguro yahigmata an mga taga-agriculture na sin-oy motoo lugar na an ila garo hari-hari ngadto an color orange. motoo pa siguro ako kun puti an kolor kay yakakita na ako nan puti ngadto sa carcanmadcarlan sa surigao del sur. bagan sagud masakiton an ila magguyuday nan liya-liya. bagan kuwang nan multi-vitamins. amo da gayud nan mananap na pagasampaga o paga-hepa. tan-awa sa lamang an kolor. wara kaha sila kuyapi nan iton?!

bagan sa dili gani bagan makadaog pagguyod nan liya-liya. unhon pa kon kargahan na an liya-liya? 

Posted by jadestone at 7:58 am | permalink | Add comment