mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Post Item » while cyber games were still on the drawing board

while cyber games were still on the drawing board

July 29, 2008

masarap yong mga karanasan natin ng bata pa tayo. pero mas masarap at mas masaya yata kung ipinanganak tayo ng dekada otsenta o bago pa umabot ang dekadang iyon kasi wala pa uso noon ng celfon, mp3s, mp4s, cyber games at kung anu-ano pa. hindi natin kailangan ng pera para tayo ay sasaya at mag-enjoy ng barkada. dagdag mo pa doon yong mas personal na paraan ng pakikipagkaibigan o panliligaw. pwede pa natin isali doon yong mga panahon na gusto natin maglaro na hindi mo kailangan humingi ng pera sa ating magulang. isang magandang paalam lang sa parents ay swak na swak na. bonus na kung bigyan ka nila ng pang-merienda.

iba kasi ang mga laro noon. mas nahahasa yong mga kabataan sa pakikipagsalamuha sa iba’t-ibang klase na kalaro. indi kasi virtual kundi personal na nakakalamuha mo yong mga kalaro mo. maganda at masaya rin siya sapagkat sa mga larong iyon nahuhubog yong magagandang katawan ng mga bata. hindi kasi sa lahat ng oras ay nakaupo lang yong mga bata sa isang tabi habang naglalaro. so libre ehersisyo na yon sa mga bata. kaya nga wala kang maririnig dati na batang high blood.

ang sumusunod ay yong mga nakahiligan kung laro ng kabataan ko pa.. whehehe…

syato, syatom in our dialect. ito yong gumagamit ng dalawang piraso ng kahoy na magka-iba yong sukat - may maliit at mahaba. ang maliit ay isang dangkay lang yong sukat at yong mahaba naman ay aabot ng dalawang talampakan o depende na sa gusto ninyong haba. ang mahabang patpat ng kahoy ay siyang ginagamit para panghampas ng maliit. it’s a physical game kasi kailangan dito ng mahaba-habang lakaran habang sinusukat ang layo ng maliit na patpat, pagkatapos ito ay hambalusin, papunta ng base.

 tumbang preso, tumba lata sa mga tagon-ons. ito yong laro na gumagamit ng maliit na lata ng sardines o gatas. mas maganda pagniyuyupi mo muna yong lata kasi hindi ito madaling matutumba. mas masaya kasi yong tinatamaan yong lata ngunit mahirap itumba. kapag binato mo yong lata, tinaman mo ito at hindi natumba ay kinakailangan mong kunin ang tsinelas mo pabalik sa base na hindi nadadakip ng isang taya. if natumba naman yong lata ay pwede mong lapitan agad yong tsinelas. at kung sino man ang hahawak sa pinambato na tsinelas habang nakatayo yong lata ay pwedeng dakpin ng taya at siya na ang magiging taya.

 

meron kaming variation din sa larong ito, tinawag naming taksi. dalawang uri yong taksi; depende yon sa kung ano yong binabato namin. pwede kasing tansa na kung minsan ay nilalagyan namin ng bakal yong ginagamit na pambato. tansan din yong binabato rito. pwede rin yong wrapper ng sigarilyo ang binabato o taya namin at malapad na bato o tsinelas naman yong pambato. kailangan lang na mapalabas sa parisukat na guhit yong tansan o wrapper ng sigarilyo sa pamamgitan ng pagbato dito sa di kalayuan. yong wrapper ng sigarilyo pala ay may katumbas na halaga tulad ng pera. halimbawa, ang wrapper ng winston at malboro na pula ay 50, yong philip morris ay 100, yong hope at mark naman ay 20, etc. etc. etc.

 trumpo, turumpo sa mga surigaonons. ang masaya dito ay yong sabong ng trumpo. kung kaninong trumpo ang hindi makakaalis sa loob ng bilog na guhit ay siyang magiging taya. yong trumpong taya ay siyang susubuking biakin ng ibang manlalaro sa pamamagitan ng kanilang trumpo. habang binibiak yong pain na trumpo at hindi makalabas sa guhit yong trumpo ng ibang manlalaro ay magiging pain na rin ito hanggang maubos na yong manlalaro.

 

chinese garter. ito yong uso din noon partikular na sa school playground namin. pero excuse me po, hindi po ako naglalaro nito. mga babae lag at baklets lang nag-eenjoy nito. kasama pala mga boys din nag-eenjoy dito. indi sa dahil naglalaro sila kundi karamihan ay nambubuso sa mag gels. nakapalda o naka-school uniform kasi mga gels na naglalaro nito. loko talaga mga boys… bwahaha..

 luksong-baka o luksong-tinik, pasensya na nalimutan ko kung ano tawag namin nito. nilalaro ito sa pamamagitan ng pagtalon sa mga ginawang harang ng mga kalaban mo. yong harang na ito ay binuo gamit ang mga bahagi ng katawan ng kalaban. katulad ito ng 100 meter hurdle ng tract and field.

 sipa, takyang ang tawag namin dito. marami na ngayon na magagandang takyang  na mabibili sa mga mall. nang kabataan namin ay hindi po magastos kasi kailangan lang namin maghagilap ng isang pako ng yero tapos kinukuha namin yong parang umbrella niya doon. tapos punta agad sa sari-sari store para bumili ng snow bear candy. kunting imahinasyon lang at yong supot ng kendi ay siyang ginagamit namin na buntot ng takyang. may instant sipa na agad kami. supot ng snow bear kasi mas matibay ito kumpara sa ibang supot ng kendi. 

patintero, truden ang tawag namin dito. hindi ko alam kung bakit. ito yong laro na binubuo ng dalawang grupo ng manlalaro. ang isang grupo ay magiging taya. ang taya ay siyang haharang o dadakip sa isang grupo na kailangan lahat ng membro nito ay makakapunta sa dulo ng ginawang guhit-rectangle at makabalik sa base na inhi nadadakip. kung ang isang membro ay nahuli ay magpapalit ang grupo; sila naman yong magiging bantay o taya. sa bawat grupong bantay o taya ay may isang kasali na may layang umikot sa lahat ng ginawang daanan sa isang rectangle.libuter ang tawag namin sa kanya; indi ko alam kung ano tawag nila sa tagalog. ang haba ng rectangle ay nagdedepende sa dami ng kasali sa isang grupo. ang hugis rectangle na playing field nito ay hinahati sa gitna ng pahaba at hinahati din ng accross depende sa dami ng membro sa grupo.

ito rin yong laro na laging nilalaro ng mga magulang ko ng kabataan nila. may kwento nga yong mama ko lagi nila itong nilalaro kapag kabilugan o papuntang kabilugan ng buwan kasi wala pang kuryente daw noon. kadalasan daw ay may sumasali sa laro na ito na white ladies o bata na hindi nila kakilala.. kakakilabot naman… sa kalsada nila ito nilalaro kasi libre na yong guhit. may guhit yong semento sa kalsada, di ba? huwag lang yong aspalto kasi wala naman guhit doon.

meron din kaming variation dito na ang magiging taya ay isang tao lamang. buwan-buwan ang tawag namin dito kasi lahat ng huhulihin ng taya ay nasa loob ng bilog na guhit na parang bilog na buwan. kung sino ang makapa ng taya ay siya namang magiging taya. para mas masaya at exciting ay nilalagyan pa namin ito ng guhit sa gitna na pwedeng daanan ng taya. kung sino rin yong lalabas sa bilog na guhit ay magiging taya rin.

taguan, tagu-taguan ang tawag sa bayan namin. sigurado akong alam lahat natin ito. may isang taya at kailangan niyang hanapin yong mga kasali sa laro na ob cors nagtatago. kailangan maka-touch base yong mga kasali sa laro na hindi nakikita ng taya. simpol as that..hehehe..

meron din kaming masaya pa dito. parang taguan rin siya ngunit may kakaibang twist kasi hindi lang isa ang taya kundi marami o isang grupo. labanan ito ng dalawang grupo at may maraming twists na idinagdag para mas masaya. hindi ito nilalaro sa araw pero pwede naman laruin kung gugustuhin. mas masaya kasi paggabi at medyo madilim na yong sinag lang ng buwan at mga bituin ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi. 

ibo ang tawag namin sa larong iyon. nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahanap ng grupo na taya sa kalabang grupo na nagtatago. isa-isang hahanapin ang kasapi sa grupong nagtatago at pagnakita ito ay babanggitin ang pangalan niya at tatapikin yong posteng nilagay bilang home base. kung sa malayong lugar nakita yong kalaban kailangan nilang maghabulan papunta ng home base para matapik yong poste. dapat mauna pagtapik doon yong taya para ma-out yong nakitang kalaban. kung yong nakitang kalaban ay ang unang nakaabot sa poste, mare-reset naman yong game.

ang hangarin ng game na ito ay dapat walang kalaban na makatapik sa home base o poste. dapat lahat ng kasapi sa grupong nagtatago ay makita sapagkat kahit na isa na lang yong naiwan sa nagtatagong grupo tapos natapik nya yong poste at nakasigaw ng ibo ay masasalba niya yong nahuling kasamahan nya; mare-reset na naman yong game.

ang hangarin ng nagtatagong grupo ang palihim na makapunta sa home base at maisigaw ang salitang ibo bago ito makita ng bantay na grupo. 

ang mga estratehiya na ginagamit ditong tayang grupo ay ang maglagay ng tagabantay sa home base at poste. hindi nya ito kailangan iwanan at pag may makita siyang kasapi ng kalabang grupo ay isigaw lang niya ang pangalan nito sabay tapik sa poste. dapat ding siguraduhin na tama ang pangalan na nabanggit sapagkat kung mali ang pangalan ay mananalo pa rin yong kalabang grupo. kadalasan kasi ay nagpapalitan ng damit ang kalabang grupo o kaya’y nagtatakip ng mukha.

medyo matagal matapos ang larong ito. oras ang binibilang dito at kadalasan kapag inhi alisto yong bantay na grupo ay magiging bantay na lang sila hanggang matapos ang laro.

marami pa akong alam na laro. kwento ko lang sa inyo next time.

Posted by jadestone at 8:29 am | permalink

Add a comment