Miracles, Anyone?
January 18, 2008i am a religious person. but i profess my faith in a different manner. nagmana yata ako sa tatay ko. ‘yong tatay ko kasi ay di mahilig magsimba pero hind ibig sabihin noon na hindi rin siya nagdadasal. it never reach a point that my father was prohibiting us to go to church, attend masses, pray the rosary, etc.
sa katunayan masaya siya and he’s very supportive of us ng ay naging altar boys kaming dalawa ng kapatid ko. he didn’t even protest when my brother decided then to enter the seminary.
anyway, this entry is not to tell you about my life being a sakristan. this is all about a place in CEBU na dinadayo ng mga tao buwan-buwan. i happened to visit it on September 8 of last year. hindi sana ako pupunta doon kasi nagkataon din na kaarawan ng nag-iisa kong sister. but dahil sa gabi pa naman kami magkikita ni sis ay pinaunlakan ko ang hiling ng aking girl. we went there kasama ‘yong mga relatives n’ya in CEBU dahil nga birthday din ni MAMA MARY.
almost lunchtime na ng narating namin ang place. mahaba na ‘yong pila papunta sa site kung saan nakatayo ‘yong shrine o monasteryo. kailangan namin maglakad at akyatin ‘yong medyo di naman matarik na bundok. bumper-to-bumper na ‘yong mga sasakyan at likod-to-likod na rin ang mga tao; meaning nakadikit na ‘yong likod ng tao na nasa harap mo sa iyong mukha kung matangkad siya at ikaw naman ay hindi blessed sa hayt. dagdag pa doon ang nanunuot na init ng haring araw.
iba’t-ibang grupo ng mga deboto ang dumadagsa doon pagkaarawan ni MAMA MARY. meron nagmula pa sa Luzon, sa Mindanao at sa karatig-pulo ng Visayaz. kahit mainit at siksikan ay hindi ito nila iniindang.
ayon sa kuwento ng mga monks na nangangalaga sa pook ay himala na lumuha ng dugo ang statue of
Mother Mary noong kasagsagan ng dengue outbreak sa Simala noon. it was accounted that the statue first shed blood on August 17, 1998. at pagkatapos noon ay himalang huminto ang dengue at gumaling ‘yong mga biktima.
napansin din ng mga monks na ang imahe ay muling lumuha ng dugo noong August 22, 1998; sinundan ito noong kaarawan niya (September 8, 1998) at noon naman October 13, 1998 kung saan ay ginugunita ng simbahan ang anniversary of our lady of fatima’s apparation.
pero hindi dito tumigil ang pag-iyak ng dugo ng imahe dahil muli itong lumuha ng dugo noong December 29, 1998 na nasundan na naman noong September 8, 1999 sa araw ng kanyang kaarawan.
mula noon ay naging isang malaking piyesta ang pagsapit ng september 8 sa bayan ng Lindogon, Sibonga, Cebu. buwan-buwan ay dinadagsa ng mga deboto ang Monastery of the Holy Eucharist na pingangalagaan ng Marian Monks of the Eucharistic Adoration.
kung gusto n’yo pumunta doon i suggest na pumunta kayo doon every 13th day of the month.
alam kung maraming kokont ra na ang pag-iyak o pagluha ng dugo ng isang rebulto ay hindi nangangahulugan na ito ay isang himala. many would refute that it could be due to the physical composition of the materials where it was sculpted. but for me, that is no longer important. seeing these devotees grow in faith and they went home with renewed and/or stronger faith in GOD, is more than a miracle to me.
story has it that the Statue of the Lady of Fatima was a gift from a woman to the monks. gusto kasi noon magtayo ng monasteryo doon ng mga monks. may lumapit daw na babae na may dala-dalang estatuwa at ibinigay ito sa monk dahil siya daw ay aalis papuntang states. and when the monk turned to thank the woman, she was gone.

















