mga walang katuturan na kwento ng isang TAGOn-on
[ yay ajo na mga estorya nan isa ka-TAGOn-on ]
( waray kapuslanan na mga tabi nan isa ka-TAGOn-on )

Home » Post Item » Saved from Imminent Calorie Overdose

Saved from Imminent Calorie Overdose

December 6, 2007

Ang bayan kong sinilingan sa Surigao ay magdidiriwang bukas ng kanilang taunang fiesta - ang fiesta ng Imaculada de Concepcion.

Dihins na lihim sa atin lahat na every Filipino handaan ay dihins talaga nawawala ang lechon baboy. Para bang walang party kung walang nakalatag na malaking lechon or lechon de leche sa hapag-kainan.

At dahil fiesta sa amin bukas, siguradong tigok na naman ‘yong dalawang alaga ni tatay. Kaugalian na kasi natin mga Katoliko na maghanda sa taunang fiesta.

Pero tulad nang nagdaan na mga taon ay saved na naman ako sa extra calories. Actually, dihins na lingid sa kaalaman ng mga tao na every december talaga ay overdosed ang mga taga-TAGO. Lechon during the Immaculate Conception’s Fiesta celebration, handaan sa Pasko at handaan naman ulit pagdating ng bagong-taon. Of course, di nawawala doon ang kulay-pula-na-baboy-na-tinuhog-ng-kawayan sa mesa.

Guilty talaga ako of killing myself sa dami ng fats na ipinapasok ko sa katawan ko every december. Buti na lang na palagi kong nami-miss ‘yong handaan every fiesta magmula ng ako ay nagtrabaho sa government. Imagine, four straight years na di ako nakadalo kasi kalimitan ay nasa seminars, conventions or meetings ako outside ng province.

Pero sa pagkakataong ito ay wala talagang akong datung para pumunta doon. Isa pa ay malayo ‘yong byahe galing dito sa work ko. I have to travel at least 10 hours by land to reach our place.

Anyways, happy fiesta na lang sa mga Tagon-ons!

 

Posted by jadestone at 10:10 am | permalink

Previous Comments

Nakasanayan na talaga nating mga filipino ang tradisyon na may lechong handa sa mesa. Dahil hindi makumpleto ang okasyon kapag walang lechon sa mesa. Mapa fiesta, christmas, birth days at wedding present palagi ang lechon. Masarap kasi ang lechon lalo na pag tama sa timpla at macrispy ang balat.. Hindi ako meat lover pero pag may lechon sa mesa naglalaway ako lalo na sa may belly ang sarap kasi ng lasa. Plus dagdagan mo nang sukang pinakurat. Yung maanghang at maasim. Hmmm yummmy lalo pinasarap… Nagugutom tuloy ako sa lechong yan…

Marami ding lechon sa cebu. Kahit walang okasyon laging may lechon kaso lang hindi libre :) … May cnt lechon, alejos, cangs, kay kens at marami pa. Marami kasing mga tourist na gusto ring maranasan ang taste ng lechon cebu.

Posted by edven at June 20, 2008, 2:05 pm

masarap nga talaga yong lechon baboy sa cebu.. try mo yong “pinasarapan” na brand na saw-sawan.. it comes from iligan city also like the “pinakurat”.

dugay na man gud ko wa kabalik ug cebu..

Posted by jadestone at June 23, 2008, 11:37 am

Cebu is the best pagdating sa lechon. Masasarap kasi ang lechon cebu. At napaka crispy pa ng balat. At tama kayo na ang lechon cebu ay hindi na kailangang lagyan pa ng liver sauce or mang tomas kasi malasa na yung meat na. Noong umorder kami ng lechon sa lechon cebu sukang pinakurat ang ginawa naming pang sawsawan. Pero ok lang din kung wala ng sawsawan. Kasi malasa na yung meat… :) :):)

Try http://www.lechoncebu.com

Posted by beverlyac at July 2, 2008, 2:03 pm

Add a comment