KABIT-bahay Ko
December 3, 2007Hindi dahil paki-alamero ako or talagang tsismoso, in a sense. Hindi ko rin naman talaga mapilit ang sarili ko na ipikit na lang palagi ang aking dalawang mga mata at takpan ang aking tenga sa mga nangyayari sa kabilang silid na nagkataong kadikit rin ng kwartong aking tinutuluyan.
Ito kasi ‘yong buong kwento nito.
Noong una ay, of course, di ko agad mapapansin na may kababalaghan o isang himala na nagaganap sa bahay na aming inuupahan. Akala ko na tunay talagang mag-asa o mag-jowa ‘yong kapit-silid ko. Di kalaonan, to make the story short or even shorter, ay nalaman ko buhat sa kanilang ikinikilos, mga pag-uusap, kwentuhan etc. na hindi pala isang morally upright ang kanilang relationship. Sa makatuwid, isa palang other woman ang kasama ko sa bahay. Isang public school teacher na kabit ng isang hambog na kagawad ng barangay.
Eh, anong paki ko!? Tiyak ‘yan ang ibubungad n’yong salita sa akin. Lahat naman tayo ay makasalanan at may pagkakamali. Naaawa lang kasi ako sa girl kasi iniwan n’ya ang work dahil sa guy. Babae ang laging biktima sa ganitong sitwasyon. Tulad nga ng palaging isinisigaw sa rally sa kalsada ng Gabriela, “Karapatan ng mga babae, ipaglaban!”
Ang government nga rin ay meron propaganda na “CEDAW ng bayan! Karapatan ng Kababaihan, Ipaglaban!” CEDAW means Convention for the Elimination of Discrimination Against Women.
Sa kabilang banda, hindi lang naman ‘yong girl ang laging kawawa. Pwede rin naman nating sabihin na kaawa-awa din si lalaki kasi dihins biro ang magpakain nang dalwang pamilya.
But, anyways, di ko talaga type ‘yong mga guy na namamangka sa dalawang ilog. Hindi naman standard ng pagiging machong lalaki ang pagkakaroon ng dalawang sabay na relasyon. Ni hindi nga sukatan ng pagkalalaki ang pagkakaroon ng anak o ang makabuntis ng babae.
Bottomline is totoong lalaki ka pagpinapahalagahan mo ang sarili mong pamilya.

















